Loisa Andalio
Loisa hindi kilala si Alma!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 10, 2019 - 12:00am

Natawa naman ako sa kuwento na hindi kilala ni Loisa Andalio si Alma Moreno dahil sure ako na hindi rin kilala ni Alma ang baguhang aktres na nasangkot sa video scandal.

Noong kapanahunan ni Alma, siya ang number one sex symbol dahil pinipilahan sa takilya ang lahat ng kanyang mga pelikula na sure ako na hindi pa nararanasan ni Loisa na nakakaawa naman dahil biktima ng bashing mula nang kumalat ang alleged video scandal niya.

Pero ang nakakatawa nang pag-usapan namin ni Cristy sa isang episode ng Take It… Per Minute ang nasabing video scandal, hindi ko rin kilala si Loisa. Hahaha. Kaloka.

ER Ejercito may buwelta sa mga nagha-harass daw

Invited ako sa presscon kahapon ni ex-Laguna Governor ER Ejercito pero hindi ako nagpunta dahil sa Take it… Per Minute ni Cristy Fermin pero nabalitaan ko na well-attended ang event.

Hindi man ako nakasipot, nakarating sa akin ang balita na nag-dialogue uli si ER na kapag may baril siya, babarilin daw niya si Noynoy Aquino, in case na magkita sila nang hindi sinasadya.

Parang malalim ang sama ng loob ni ER sa dating pangulo na inaakusahan niya na maraming kasalanan sa pamilya Ejercito.

Nilinaw rin ni ER na hindi totoo na disqualified na siya na kumandidato na gobernador ng Laguna dahil fake news diumano ito at kagagawan ng mga nangha-harrass sa kanya.

Bongga talaga si ER dahil walang preno ang pagsasalita niya kapag nababanggit ang name ni Noynoy.

Talagang pamangkin siya ni Papa Erap Estrada na uncensored din ang mga sinasabi kapag may gustong ipaliwanag.

Stranded nina Jessy at Arjo pinuri nang mga nanood!

Congrats kay Mother Lily Monteverde dahil positive ang reviews sa Stranded, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na showing ngayon sa cinemas nationwide.

Starring sa Stranded sina Arjo Atayde at Jessy Mendiola na ang sabi ng mga nakapanood ay  may chemistry sila kaya nakuha nila ang sympathy at admiration ng mga dumalo sa premiere night ng kanilang pelikula.

Happy naman ako dahil umapir pala si Mother sa red carpet premiere ng Stranded na isa lang ang kahulugan, magaling at masigla na siya. Hindi gaya nang dati na wala siyang gana na kumain na naging dahilan ng kanyang pangangayayat.

Jerome mas nagmukhang artista sa Regal

Ang Finding You at Ang Henerasyong Sumuko sa Love ang mga coming soon movie offering ng Regal Entertainment Inc.

Siyempre happy si Mother at ang kanyang anak na si Roselle Monteverde dahil magaganda rin ang reviews sa trailer ng Finding You at Ang Henerasyong Sumuko sa Love.

Bida sa Finding You si Jerome Ponce at kasali rin siya sa cast ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love.

LOISA ANDALIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with