^

Pang Movies

Ipinalit ni Clint kay Catriona, may dalagang anak na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ipinalit ni Clint kay Catriona, may dalagang anak na!

Ang sipag mag-imbestiga ng followers at bashers ni Clint Bondad dahil mabilis nakilala ang babaeng kahalikan at kayakap sa isang nag-viral na video habang nasa isang bar sila. Pati status ng babae, nakalikot ng followers at bashers at nalamang may anak na ang babae na former FHM cover girl.

In fact, anak daw ng babae ang girl na nakasunod sa kanila ni Clint habang buhat-buhat siya ng aktor at hindi alalay, gaya nang inakala ng mga nakakita sa video. May nabasa pa kaming comment na dapat ang anak na lang ng babae ang dyinowa ni Clint dahil bagay ang edad nila.

Dahil sa isyung ito kay Clint, may mga gusto siyang ma-interview, lalo na ang press people. Ang wish lang ng mga reporter, sana kasama si Clint sa cast ng rom-com ng GMA 7 na Love You Two sa presscon na malapit na dahil sa April 22, na ang worldwide premiere ng teleserye kung saan, gaganap si Clint na ex-BF ni Jennylyn Mercado.

Daniel inaayos na ang pagsunod kay Kathryn!

Boyfriend goal sa girls si Daniel Padilla dahil hinatid nito sa airport ang GF na si Kathryn Bernardo nang lumipad pa-Hong Kong para sa shooting ng movie nila ni Alden Richards.

Sa isang video, makikitang niyakap ng mahigpit ni Daniel si Kathryn bago sila maghiwalay.

Nakwento rin ni Kathryn na nangako sa kanya si Daniel na dadalawin siya sa Hong Kong dahil matagal nga naman silang magkakalayo. One month ang shooting nina Kathryn at Alden at sa isang magkarelasyon, matagal ‘yun.

Hello, Love, Goodbye ang title ng pelikulang ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

Mga isyu kay Sanya gamit na gamit na

Dapat siguro hanapan na ng bagong isyu si Sanya Lopez dahil luma na ang isyung NBSB o no boyfriend since birth siya. Sabi nga ng millennials, so 2018 at 2017 pa nga ang isyung hindi pa nagkaka-boyfriend ang aktres.

Sa promo ng Afternoon Prime na Dahil Sa Pag-ibig na pagbibidahan niya katambal si Benjamin Alves, ‘yun pa rin ang isyu sa aktres. Sabagay, walang intriga kay Sanya, kaya paulit-ulit na lang ang isyu sa kanyang NBSB.

Hindi naman puwedeng sakyan ang isyung isa siya sa nababanggit na pwedeng gumanap na Darna, kapalit ni Liza Soberano. Naba-bash tuloy si Sanya kahit hindi siya ang may gawa ng isyu.

Sa plugging pala ng GMA-7, “soon” na ang airing ng Dahil sa Pag-ibig kung saan, kasama sa cast sina Winwyn Marquez at Pancho Magno. Si Ricky Davao ang director nito. Curious lang kami kung bakit napalitan ang original choice ng Kapuso actor na dapat leading man ni Sanya.

vuukle comment

CLINT BONDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with