Yasmien Kurdi
Yasmien perfect model ng mga gustong magka-diploma
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 8, 2019 - 12:00am

Congrats kay Yasmien Kurdi na Magna Cum Laude sa graduation day niya kahapon sa PICC.

Saludo ako kay Yasmien dahil natupad ang dream niya na makatapos ng college course. Nag-aral ng nursing si Yasmien pero nag-shift ito sa AB Political Science course nang lumipat siya sa Arellano University.

Nagawa ni Yasmien na tapusin ang pag-aaral, kahit busy siya sa kanyang mga obligasyon bilang ina, asawa at artista. Pinatunayan ni Yasmien sa lahat na basta may determinasyon, tiyak na matutupad ang ating mga pangarap kaya perfect model siya sa mga desidido na magkaroon ng college diploma.

Biker na nawala nang dalawang araw iniligtas ng paniniwala

Sobra akong tinamaan sa isinulat ni Bum Tenorio sa Philippine Star tungkol sa biker na si Boli Bolintiam na nawala sa mountain na pinuntahan nila ng kanyang apat na kasama.

Grabe ang istorya dahil tatlong araw at dalawang gabi na namalagi si Boli sa tuktok ng bundok.

‘Yung mag-isa siya na naghahanap, walang makita na tao, walang makain dahil candy at konting tubig lang ang baon niya.

Ang pananalig niya sa Diyos at hindi paghinto sa pagdarasal ang touching sa kuwento ni Boli na isang deboto na Katoliko.

Kapag nagdarasal si Boli, lagi nitong sinasabi na alam niya na nandiyan lang ang Diyos at nakabantay sa kanya.

Ni isang segundo, hindi nag-falter ang pananalig niya, kahit dalawang gabi siya na paikut-ikot at walang makita na tutulong sa kanya.

My God, kung hindi ka matibay, sure na mamamatay ka sa takot. Imagine yourself alone in the night not knowing kung nasaan ka, hindi alam kung ano naglipana sa paligid.

But no, ang prayers niya kept him on his toe and cleared his head hanggang dumating ang helicopter na naghahanap sa kanya at na-rescue siya.

Ang sarap ng feeling ‘di ba? Parang naglaro ka lang ng hide and seek pero naipakita mo ang power ng pagdarasal at pananalig. Faith is to believe in what you don’t see, and the reward of that faith is to see what you believed in.

Last Empress maganda ang aral!

At last, natapos ko na ang Last Empress na seryoso ko na pinanood dahil tungkol sa everlasting lust at grabeng betrayal ang kuwento.

Dapat panoorin ng mga mahihilig sa women empo­werment ang Last Empress dahil ipinakita rito na mas stronger ang personality ng babae kesa lalaki, mas matalino at matatag ang utak ng isang babae.

Matindi ang higpit ng kapit ng mga character sa power ng throne dahil ginawa nila ang lahat para hindi mawala sa kanila ang kapangyarihan.

If you hold so much power dapat na mas mataas ang emos­yon mo na kahit sino ang mawala o anuman ang  nararamdaman mo, laging ilagay sa isip na ang position mo ay  too high kaya hindi dapat magpatalo sa damdamin.

You should rule not only with your head but also with your heart. That even if your head is higher than your heart, the heart dictates your brain on  what to do.

Maganda ang lesson ng Last Empress sa mga mistress dahil kahit katabi nila ang tunay na asawa ng iba, magnanakaw pa rin sila.

YASMIEN KURDI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with