^

Pang Movies

Rico Blanco pumayag maging delivery boy ni Maris

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Rico Blanco pumayag maging delivery boy ni Maris
Maris Racal

Iba talaga kapag in love kaya iba rin ang ganda at aura ni Maris Racal sa bago nitong single na Abot Langit.

Hindi ko agad nakilala sa kanyang official music video  ang singer dahil sobrang  nag-shine ang pretty face ng singer/composer.

Nagpapakita na rin ng kaunting skin si Maris na hudyat na nagma-mature na. Iba na rin ang tema ng kanyang music.

Anyway, marami ang nagsasabing walang dahilan para ma-insecure si Maris sa ka-team up ngayon ni Inigo Pascual, ang Australian singer na si Wengie.

Palaban daw kasi at super gorgeous din ni Maris sa kanyang bagong kanta.

In all fairness kay Maris, ang ganda at galing ng new song nito na danceable ang tempo at trending na agad sa music charts.

Ikinakaaliw ng fans na pumayag si Rico Blanco na maging pizza delivery boy sa music video ni Maris. Dahil dun, hinangaan ang humbleness ng legendary singer. Agaw pansin si Mr. Blanco na kinakiligan ng fans sa eksena nito sa music video.

Wish ng fans na mag-collaborate uli ang dalawa pero sa isang kanta na tiyak ay papatok sa gabay ng music icon.

vuukle comment

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with