^

Pang Movies

Aktor biglang winalis sa serye sa isyu nila ng aktres

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Walang maibigay na dahilan kung bakit biglang napalitan ang isang aktor na makasama sa bagong teleserye ng kanyang network. Sabi nang kausap namin, sila rin nabigla nang mabasa ang line up ng cast at wala na ang pangalan ng aktor at iba na ang leading man ng bidang aktres.

To think na nag-attend pa naman ang aktor sa story conference ng teleserye at pinost sa socmed account nito na happy siya to be working on a new show. Masaya rin daw siya na makasama uli ang aktres na nakapareha niya sa ilang teleserye at ang iba pang cast.

Pero ang huling balita, out na ang actor sa cast ng bagong teleserye at ang hula namin, may kinalaman ‘yun sa isyu nila ng lead actress. Hindi pa siguro sila comfortable to be working again, lalo na at pagkatapos ng huli nilang teleserye, in-unfollow ng aktor ang aktres sa Instagram at dinelete pa ang pictures nilang naka-post sa IG ng aktor.

Sabi ng aktres, naintindihan niya ang aktor dahil ipinaliwanag sa kanya kung bakit kinailangan niyang gawin ‘yun para maprotektahan ang relasyon nila ng GF. Pero, hindi pa rin mawawala sa aktres na ma-offend. Mabait lang ito at hindi na nagsalita.

Shaira at EA hindi na nakatiis, inilantad na ang relasyon

Nag-react ang fans ni Jennylyn Mercado sa comment ng fan ni Shaira Diaz na mas nasapawan ni Shaira sa ganda si Jennylyn. Sabi ng fans ni Jennylyn, okay na kung sinabi ng supporter ni Shaina na maganda ang aktres, pero ang sabihing nasapawan nito sa ganda si Jennylyn.

Doon nagsimula ang sagutan ng dalawang kampo ng fans na hindi dapat mangyari lalo na at sa April 22, na ang world premiere ng rom-com series na Love You Two kung saan, gaganap na magkapatid ang dalawa. Hindi maganda kung hahaluan ng nega vibes ang show na magsisimula na ang promotion.

Speaking of Shaira, parang hindi na sila makakatiis ng BF na si Edgar Allan Guzman na umamin na sa kanilang relasyon. Pinost ni Edgar ang photo ni Shaira sa Instagram (IG) niya at nagko-comment sa IG ni Shaira. Hindi makalantad ang dalawa dahil sa kanilang career kahit magkasama sa isang lugar, bawal silang mag-post ng pictures na magkasama sila.   

Fans nina Kathryn at Alden sumumpang hindi mang-iiwan

Parehong nalungkot sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre sa pagwi-withdraw ni Liza Soberano sa Darna. Sa isang interview, sinabi ni Kathryn na “nalungkot ako kasi alam ko yung preparations niya, yung workout, yung diet niya. Sana makahanap ng right doctor for the finger kasi hindi yun joke. Sa fight scenes pa lang, napakahirap nun.”

Anyway, kung tama ang nabasa namin, kahapon lumipad na si Kathryn pa-Hong Kong para sa shooting ng Star Cinema movie nila ni Alden Richards. Almost one month ang shooting at para hindi nila sobrang ma-miss ang isa’t isa, nangako si Daniel Padilla na bisitahin siya sa Hong Kong. Very supportive raw ang BF niya sa movie nila ni Alden.

Pinasalamatan din ni Kathryn ang KathNiel fans nila ni Daniel at ang fans ni Alden sa suporta sa pelikula kahit noong in-announce pa lang. Nakakatuwang mabasa na nangako ang fans ni Kathryn at fans ni Alden na susuportahan ang pelikula sa showing nito this year na.

Sharon tamis-tamisan kay KC

Ang birthday greetings ni Sharon Cuneta kay KC Concepcion na nag-birthday kahapon, April 7.

“To my beautiful baby #1, who, no matter how many other babies I have been blessed to have, will always own distinction of being the very first human being who completed my existence, made me feel the bliss of being a mother, and giving me reason to live, especially through the toughest times of my life. You are in my heart of hearts and always will be my baby, no matter how big and old you get! I love you with all my heart and cannot express in mere words just how very proud I am of you. Happy Birthday, my Cucai, Tutti, Kitina, Toots! May all your dreams come true this year! Forever and ever, your loving Mama.”

Samantala, sa May 15, na ang showing ng Kuwaresma, ang horror movie ni Sharon sa Reality Entertainment sa direction ni Erik Matti. Trailer pa lang, nakakatakot na ang pelikulang kinunan sa Baguio.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with