^

Pang Movies

Jim pamilya lang ang pinahiya

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Nakakalungkot at nagdulot talaga ng kahihiyan sa pamilya ang isa sa mga hinahangaan kong musician na member ng singing trio na APO Hiking Society na si Jim Paredes.

Halos lahat ng netizen ay nakapanood na sa kanyang scandal.

Just imagine, sa loob ng tagong silid nangyari ang ginawa ni Jim sa sariling sikap, gamit ang sariling kamay. Siguro ay nadala si Jim sa lamig ng tubig kaya napagdiskitahan niya na lamutakin, yugyugin ang maselan na parte ng katawan.

Kaso, hindi alam ni Jim na may mata ng devil ang sumusunod sa kanya na naaktuhan siya sa pagpunta ng banyo. Wala siyang alam na nakunan na siya na ginagawa niya sa banyo. Yun lang!

Patawarin na lang natin si Jim, wala siyang sinaktan, except sa sarili niyang pamilya!

Kung napapansin ninyo, maraming mga nare-rape na bata at pinapatay, at least sa ginawa ni Jim walang buwis-buhay!

Snooky, tuwang-tuwa sa trabaho

Tawa nang tawa si Snooky Serna nang makita namin siya sa isang mall sa Quezon City. Namimili raw siya ng mga kailangan niya para sa shooting ng Sahaya ng GMA 7.

Very happy ang aktres dahil kasama siya sa serye. Mahirap daw kasi ang trabaho ngayon.

Basta wag tayong bibitaw kay Amang Diyos na sinang-ayunan naman ni Snooky.

Ruru buwan-buwan may pa-misa kay Direk Maryo

Kahit matagal na ring wala na si Direk Maryo J. Delos Reyes, hindi pa rin nakakalimut si Ruru Madrid.

Once a month ay nagpapa-misa ang aktor. Nagdarasal siya bilang pasasalamat sa napakagandang alaala na ibinigay sa kanya ng director.

Naging magaling na artista si Ruru dahil talagang tinutukan siya ng director na nagsilbing mentor sa kanya.

Kasalukuyang napapanood si Ruru Madrid sa Toda One I Love kasama si Kylie Padilla.

JIM PAREDES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with