^

Pang Movies

Carla binigyan ng pangontra sa evil spirits si Tom

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Masaya si Tom Rodriguez na siya ang isa sa napiling maging bida ng Fox Philippines sa horror film na Maledicto along with Jasmine Curtis, Miles Ocampo at Inah de Belen.

Ginagampanan niya ang role na isang pari (Father Xavi) na aniya ay first time niyang gampanan.

Pero aminado rin si Tom na talagang kinabahan siya while doing the film dahil tumatalakay ito sa exorcism at may fear siya na baka maka-encounter sila ng totoong evil spirit habang ginagawa ang pelikula.

“What if something follows you home? Especially since may mga ilan kaming sets na nakakatakot. There was one set we had which was the abandoned school that was transformed into a lot of different sets. Na nasunog siya na eskwelahan in 2008 tapos nandu’n kami hanggang gabi.

“’Yung isa naman naming set was the tuberculosis hospital na has been closed up for a long time and you just feel ano, kahit happy kami, happy  ‘yung set, you feel something heavy. Pagpasok mo pa lang, parang may nakasakay na sa likod mo. Kaya do’n pa lang, parang kinakabahan na kaming lahat,” pahayag ni Tom sa presscon ng Maledicto last Thursday.

Kinokontra na lang daw niya syempre ang kabang nararamdaman at maging ang girlfriend na si Carla Abellana ay binigyan pa siya ng bracelet charm to ward off the negative energy na suot-suot pa ng aktor sa presscon.

Palabas na sa May 1 ang Maledicto mula sa direksyon ni Mark Meily. Ito ang first local film na produced ng Fox Philippines with co-producers, Cignal Entertainment and Unitel.

Yassi, Sarah, Maja, Kathryn ibinoto rin para lumipad!

Dahil sa withdrawal ni Liza Soberano sa Darna project, the search is on again para sa bagong Darna. Ito ang inanunsyo ng Corporate Head Communications ng ABS-CBN na si Kane Choa sa statement na ini-release niya hinggil sa pagba-back-out ng aktres.

Ayon sa statement ay nasa selection process daw muli ang network at ang Star Cinema sa aktres na gaganap para sa nasabing iconic character.

Nalulungkot man sila, naiintindihan at ini­rerespeto raw nila ang desisyon ni Liza.

Kahapon ay nagkaroon ng pa-survey sa netizens si Eric John Salut ng ABS-CBN sa Twitter kung sino ang inaakala nilang pwedeng maging bagong Darna. Gamit ang hashtag na #BagongDarna, nag-trending sa no. 1 spot ang nasabing survey.

Nanguna ang mga pangalan nina Nadine Lustre, Kathryn Bernardo, Maine Mendoza at Jennylyn Mercado sa mga boto ng netizens.

May mga bumoto rin kina Yassi Pressman, Sarah Geronimo, Maja Salvador, Julia Montes, Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Sanya Lopez, Jasmine Curtis, Andrea Torres, Erich Gonzales, Loisa Andallo, Maymay Entrata, Anne Curtis at may mga nagsasabi ring ibalik na lang daw kay Angel Locsin ang role.

CARLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with