^

Pang Movies

Teacher na tawid-dagat bago makapagturo naghahanap ng sponsor para sa eskuwelahan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Saludo ako sa teacher na si Anne Fe, 49, na nagtuturo sa Botnga Elementary School sa isang isla sa Panay Province. Dapat nakapedestal ang mga ganitong klase ng tao dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay may ganitong nilikha ang Diyos.

The other night (April 1), nanonood ako ng dokumentaryo ng Front Row sa GMA-7 na ini-host ni Arnold Clavio kung saan na-feature ang binabanggit kong guro na si Anne Fe. Araw-araw, tumatawid siya ng dagat mula sa isla hanggang sa isa pang isla para makapunta sa paaralang pinagtuturuan, kasama niya ang limang batang mag-aaral, Isang lalaki at apat na babae. Naging responsibilidad niya na ang mga ito bilang tulong na rin sa mga magulang ng mga bata.

Nagtaka naman ako, bakit hindi na lang magtayo ng paaralan sa islang pinanggagalingan nila, para hindi na nila kailangan pang tumatawid ng dagat gamit ang isang bangkang de sagwan. At take note basang-basa sila pagdating sa school.

Hatid sundo ang limang batang mag-aaral at siya ang nagpapakain sa mga bata. Buti wala siyang asawa. Take note, ang suweldo niya ay ?150.00 lang a day! Grabe!

Ang hiling at dasal ng mga magulang at mga bata ay sana raw magtayo ng school sa kanilang barangay sa Panay Island. Or magkaroon man lang ng hanging bridge.

Ipag-pray natin! Baka matulungan ni Arnold Clavio.

Hunk actor na wala pang sariling pamilya, nakabili ng property sa Palawan

Malaki ang property na pag-aari ng isang hunk actor na ayaw sabihin ng tsufatid ang pangalan, dahil hangga’t maaari daw ay sikreto pa ito hangga’t hindi pa ito fully develop. Somewhere raw ito in Palawan, at balitang gagawing resort ang property. Tatayuan ng hotel, supermarket at gagawing bakasyunan.

Guwapo ang hunk actor na ito, kering-keri niya ang magpundar ng ganito kalalaking properties dahil matagal na rin siyang nasa showbiz.

Wala pa siyang sariling pamilya, puro fling lang.

Personal…

Sincere condolences Cong. Star of All Season Ms. Vilma Santos-Recto and family, sa mga kapatid, sa pagyao ni Ma’am Milagros Santos.

Noong nabubuhay pa si Tita Mila, ang ganda ng relasyon niya sa movie people, na halos kilala niya at alam ang mga pangalan. Eternal rest grant unto her oh Lord! now and forever amen.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with