Jessy hindi nakilala sa bagong ‘buhok’
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - April 5, 2019 - 12:00am

Hindi agad namin nakilala si Jessy Men­diola nang ito’y bumeso sa amin sa ­unang araw ng wake ng maternal grandma ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano na si Milagros Tuazon-Santos sa Premiere Chapel ng Loyola Memorial Chapels in Sucat, Parañaque. Naka-silver blonde ang kulay ng buhok ngayon ni Jessy na bumagay naman sa kanya. Kasama siyempre ni Jessy ang kanyang nobyong si Luis na tumulong din sa pagharap sa mga bisita na nakiramay sa pagyao ng kanyang lola.

Kumpleto ang pamilya ng Star for All Seasons at Lipa Representative Vilma Santos. Naroon ang kanyang mister na si Sen. Ralph Recto at mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian. Kumpleto rin ang mga kapatid ni Vi. Naroon ang eldest sister ni Vi na si Emelyn Santos at ibang younger siblings na sina Sonny, Maritess at Winnie.

Sina Tess at Winnie na parehong naka-base sa Amerika ay dumating ng gabi ng Miyerkules, April 3, na siya ring unang gabi ng lamay sa kanilang ina na na-cremate na nung nakaraang Lunes, April 1. Ang lamay kay Mama Santos ay hanggang ngayong araw ng Biyernes, April 5 with a nightly mass at 7 p.m., ang inurnment ay gaganapin sa Sabado ng umaga after the mass. Ang kanyang mga abo ay ilalagak sa columbarium ng St. James the Great Parish in Alabang, Muntinlupa.

Sa Loyola Memorial Chapel in Sucat, Pa­rañaque naman nakalibing ang kanilang amang si Amado Santos na sumakabilang buhay noong November 6, 1986, tatlong araw matapos ang kaarawan ng actress-politician. Ang mga buto ni Papa Santos ay i-e-exhume at ipapadurog para magkasama na sila ni Mama Santos ng isang columbarium.

Ang mother ni Cong. Vi ay mahigit isang buwan din sa ICU ng Mary Mediatrix Medical Center ng Lipa, Batangas bago ito binawian ng buhay at age 93 nung umaga ng Abril 1. Para hindi gaanong ma-stress ang nagdadalamhating si Cong. Vi, ang mister nitong si Sen. Ralph Recto at kaisa-isang kapatid na lalaki na si Sonny Santos ang nag-asikaso ng lahat na may kinalaman sa pagkamatay ni Mama Santos.

Magkahalong showbiz at mga political figures ang nagsama-sama sa burol ni Mama Santos, ganoon din ang mga naggagandahang bulaklak na padala ng mga kilalang personalidad.

Isa sa pinakamaagang dumating sa wake ni Mama Santos sa unang araw pa lamang ay si Vice President Leni Robredo na hindi naging Vice President kung tinanggap ni Cong. Vi ang alok na maging ka-tandem noon ng senatoriable na si Mar Roxas.

Pagkamatay ng dating news at weather anchor, misteryoso pa rin

Kung ang ina ng actress-politician na si Lipa Representative Vilma Santos na si Milagros Tuazon-Santos ay sumakabilang buhay noong umaga ng April 1, 2019, sa araw ding ito pumanaw at natagpuan ang wala nang buhay na dating news at weather anchor ng TV5 at Manila Times columnist na si Joseph ‘Seth’ Holandes Ubalde.

Si Seth ay natagpuan sa loob ng banyo ng isang hotel sa Bonifacio Global City (BGC). He was 34.

As of this writing ay wala pang detalye sa naging cause ng pagkamatay ni Seth na nagtapos ng Journalism sa University of the Philippines at Certificate on Online and Multimedia Journalism sa International Institute of Journalism in Berlin, Germany.

Bukod sa TV5, si Seth ay dati ring nagtrabaho sa GMA-7 as Senior News Producer ng GMA News and Public Affairs.

JESSY MEN­DIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with