John Lloyd Cruz balik-showbiz na?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 4, 2019 - 12:00am

Magbabalik na raw sa showbiz si John Lloyd Cruz. Pero tsismis pa lang iyan. Actually matagal na naming narinig ang mga tsismis na iyan. Pero si John Lloyd mismo, wala pa namang sinasabi. Mukhang enjoy naman siya sa kanyang ginagawa ngayon. Mas tahimik ang kanyang buhay dahil kahit na papaano naman may negosyo na siya. May panahon siya para sa kanyang pamilya, lalo na sa anak niya. Bukod doon sinasabi ngang nagpipinta siya ngayon.

Pero kung magbabalik showbiz nga si John Lloyd, palagay namin ay ok lang. Kung natatandaan ninyo, ang sinabi naman ay “on indefinite leave” lamang siya. Hindi natapos ang kanyang kontrata sa ABS-CBN at sa Star Ci­nema. Ibig sabihin may babalikan siyang sigurado, at palagay namin magiging hit pa rin naman si John Lloyd, sa telebisyon man o sa pelikula.

Ate Vi matagal inalagaan ang ina

“It was a bitter pill. Masakit talaga para sa aming mga anak niya iyong pagkawala niya, but deep inside alam naman naming nahihirapan na rin siya at iyong nangyari means makapagpapahinga na rin siya sa lahat ng hirap at pagod sa buhay,” sabi ni Congresswoman Vilma Santos tungkol sa pagyao ng kanyang ina.

Matagal na rin naman kasi ang sakit ni Mama Milagros Santos, at labas-pasok na nga siya sa ospital. Medyo nawawala na rin naman ang memory niya, at kung hindi mo na nga alam kung ano ang paligid mo eh ano pa ba iyon? Iyon nga lang buhay siya.

Pero ang magandang alaala ngang naiwan niya ay kung ano ang kanyang ginawa para sa kanyang mga anak. Lahat naman sila ay nagkaroon ng magandang buhay. Lahat sila ay napalaki nang maayos at lahat sila, talagang pinangalagaan ni Mama noong panahong kailangan nila ang kanyang kalinga.

“In fact, we all came out strong. Siya nga kasi ang naging example namin eh. Hindi ko masasabing walang hindi naging magandang nangyari sa buhay ko, pero natutuhan ko ang bumangon at mailagay sa ayos ang lahat. Iyong mga kapatid ko, hindi ko naman masasabing hindi rin nagkaroon ng problema, pero sila man mabilis na nakakabangon, kasi nga iyon ang nakagisnan namin kay Mama. At iyong totoo, hindi umasa si Mama sa akin. Lagi siyang may sariling negosyo kahit na ano pa iyan, kaya hindi namin masabing umasa siya sa amin.

“Noon na nga lang talagang mahina na siya at saka lang siya tumigil talaga. Pero hindi pa rin agad tumigil eh, siguro hindi niya kayang kumilos pero noon kasi iba pa rin ang isip niya. Nagbibigay pa rin siya ng advice and most of the time, maiisip mo, tama ang sinasabi niya,” sabi pa ni Ate Vi.

Pansamantala, tigil muna si Ate Vi sa lahat ng mga bagay na kailangan din niyang harapin, “kailangan ko namang makabawi kay Mama”

Mga nanood ng kumalat na scandal ng senior citizen, walang galang sa matatanda!

Masyadong pinag-uusapan ang isang kumalat na sex video. Ewan kung bakit pero matagal na naming narinig iyan. Nakakita kami ng screengrabs noong nakaraang taon pa yata, pero hindi namin pinansin.

Kasabay iyan noong isa pang sinasabing sex video na ang gumawa isa ring senior citizen. Noong makita namin iyan, ang naisip namin, ang mga manonood niyan walang galang sa matanda. Kung sino man ang gumawa niyan, walang pinagkatandaan.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with