VS Pinay model na si Kelsey Merritt umakyat ng buko para sa dyowang Olympian
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - April 4, 2019 - 12:00am

Ang bilis umakyat sa puno ng niyog ng Victoria Secret model na si Kelsey Merritt para sa boyfriend na Olympic gold medalist na nasa bansa para sa isang endorsement.

“Someone had to get the coconuts since @conorjdwyer wanted one,” sabi nito sa kanyang Instagram post habang nangangakyat sa puno at naririnig ang boses ng Amerikanong swimmer na si Conor Dwyer.

Kasalukuyang nasa El Nido ang magkarelasyon na plano ring dumayo sa Boracay and Siargao.

John Lloyd, mukhang gusgusin sa mahabang buhok at balbas

Grabe hindi na mukhang showbiz idol si John Lloyd Cruz sa kumalat na picture niya kahapon sa isang Pares restaurant.

Mahaba ang buhok at balbas ng actor pero marami pa rin ang nagpa-picture sa kanya though parang mabigat sa loob niya ang mag-pose para sa selfie ng mga nakasabay kumain.

Jessy nagbebenta ng Kaftan dress, nag-iba ang hitsura sa blonde hair

Speaking of buhok, lumikha naman ng ingay sa social media ang blonde hair ni Jessy Mendiola kahapon.

Kasama siya ni Luis Manzano na dumalaw kahapon sa burol ng lola ni Luis na si Mommy Milagros ni Rep. Vilma Santos na sumakabilang-buhay two days ago.

Bukod sa bagong buhok, nagmo-model at nagbebenta rin si Jessy ng Kaftan dress, ‘yung parang duster o robe. Si Luis pa mismo ang nagpo-promote ng bagong negosyo ng GF.

KELSEY MERRITT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with