Pinaplanong pelikula para kina Tirso, Christopher at Nora, dapat tiyaking kikita!
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - April 3, 2019 - 12:00am

Sigurado namang hindi papayagan ang fans nina Nora Aunor, Tirso Cruz III at Christopher de Leon na malagay sa alanganin ang balak na muling pagsamahin ang dalawang malaking pangalan na sumikat nung 60’s bilang loveteam at ng isang aktor na tinangkang ipalit kay Pip.

Maganda ang plano considering na naabot na ng dalawang aktor ang kagalingan sa pag-arte ng dati nilang kapareha. With Joel Lamangan directing the film from the story of Erik Ramos, alam mong maganda ang project at posibleng ‘di na maulit kaya dapat matiyak ang box office results nito at hindi mapabilang sa maraming magagandang pelikula na sumemplamg sa takilya at ikinawindang ng maraming nagpoprodyus ng pelikula. With their combined number of fans, marami ang manonood ng pelikula na maaari pang magbalik sa Golden Age Of Philippine Cinema.

Fans papayag ba kayong mag-flop din ang mga idolo n’yo? Huwag puro tili at sigaw lang.

Kylie mas bagay sa drama

Dapat siguro ay sukuan na ni Robin Padilla ang pagnanais niyang makitang isang action star ang kanyang anak na si Kylie Padilla. Tama na sila na lamang ni Aljur Abrenica ang maging action star ng pamilya, ibalato na nila si Kylie sa ibang genre.

Magaling naman itong mag-drama, baka dito magka-award siya pero, sa action, hindi.

Nag-trending!

Hindi pinalampas ng avid viewers at loyal supporters ng My Special Tatay ang finale episode ng top-rating serye noong Biyernes. Sa katunayan, ang hashtag na #MSTTheSpecialFinale ang nasa number one trending spot sa Twitter with over 15K Tweets. Talagang pinadama ng manonood ang kanilang pagmamahal sa cast ng serye dahil sa kanilang suporta hanggang sa huling episode nito.

CHRISTOPHER DE LEON NORA AUNOR TIRSO CRUZ III
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with