^

Pang Movies

Janine may sarili nang serye!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Janine may sarili nang serye!

Level up na ang career ni Janine Teñoso na umaarangkada sa kanyang singing career, dahil may series na rin siya na kung saan siya ang leading lady kasama si Gab Lagman na may title na Tadhana Sucks.

Ito ang first series ng Viva TV na mapapanood sa YouTube Channel para sa BitinFlix na ang premier ay sa April 6, 2019.

Nakakaaliw ang teaser ng nasabing series na punung-puno ng kapalpakan at bad luck dahil nga Tadhana sucks.
Natuwa ang fans ni Janine dahil sa wakas ay may bagong gagawin ang kanilang idol bukod pa sa pagkanta. May ibubuga rin pala siya sa pag-arte.

Request din ng fans na siya rin sana mismo ang kumanta ng theme song ng sarili niyang serye, dahil siguradong papatok ito gaya ng single niyang Ulan na umabot na sa mahigit isang milyong views sa YouTube na theme song ng parehong title ng movie nina Nadine Lustre at Carlo Aquino.

Excited na si Janine sa kanyang unang bida role na unang na-discover sa Born to be a Star. Gusto niyang ipakita ang kanyang pagiging flexible hindi lang sa singing at pagsusulat ng mga kanta, kung hindi pati na rin sa acting, pagsasayaw, TV hosting, model, at iba pang challenge para mahasa ang kanyang talent.

vuukle comment

JANINE TEñOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with