Yassi
Yassi utol lang ang turing kay Coco
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - March 31, 2019 - 12:00am

Nilinaw ni Yassi Presman kay Boy Abunda na walang dapat ipagselos si Julia Montes sa kanya. Balita kasi na siya ang dahilan ng pagpunta ni Julia ng Germany na kung saan ay naroon ang ama nito at matagal siyang nanatili. Sinasabing pinagselosan niya ang magandang relasyon nina Yassi at Coco Martin sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“Coco is a good friend, isang magandang katrabaho. Nung una ay para lang kaming magkapatid pero, that’s how far our relationship goes,” paliwanag ng aktres na ilang ulit na ring kinilala ang kanyang effort na mapahusay ang kanyang acting sa tatlong taong serye. “Hindi lamang kami ang may magandang relasyon sa series. Parang pamilya kaming lahat, si Coco nagsisilbing big brother namin, nalalapitan namin sa oras ng pangangailangan,” pagpapatuloy ni Yassi.

Charo at Bea pumasok sa bahay ni ‘Kuya’

Pati sa Pinoy Big Brother ay mayroon na ring nagaganap na promosyon ng pelikula. Pinakahuling nag-promote sa reality show ang mga artista ng Eerie na sina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio. Balitang mahina ang pagtanggap ng mga manonood sa nakakatakot na pelikula at maging ang puspos ding aksyon na Maria ni Cristine Reyes.

Ano kaya ang hanap ng mga manonood sa pinanonood nila? Maganda naman ang dalawang pelikula, magagaling ang mga artista at hindi naka-box ang istorya. Bakit ito sumemplang sa takilya? Baka dahilan dito ay mawalan na ng gana ang mga nagpoprodyus ng mga pelikula.

Isko napalago ang sarili

Mukhang nag-team up sina dating mayor Alfredo Lim at Isko Moreno para labanan ang reelection ni Erap Estrada sa Maynila. Si Isko ay nagsimula at lumago ang personalidad sa aking paningin. Nakita ko kung paano siya nagsikap para mapalago ang kanyang sarili habang nasa pangangalaga ni Kuya Germs. Sayang at hindi ako Manilenyo. Malaki sana ang maitutulong ko sa kanyang kandidatura.

YASSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with