Gretchen at Ariella hindi siniseryoso ang mga bumbero
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - March 29, 2019 - 12:00am

Sana ay hindi tawa nang tawa sina Gretchen Ho at Ariella Arida sa paghu-host nila ng segment na Bumbero 2019 dahil nakakabawas ang ginagawa nila sa kaseryosohan ng  segment na involved ang mga masisipag nating mga fire fighter.

Aakalain mo na isang nakakatawang segment ang hino-host nila pero, walang tumatawa isa man sa mga bumberong kalahok at sa halip ay seryosong-seryoso sila. Besides, isang news program ang Umagang Kay Ganda.

Arjo at Jessy inaabangan sa pagpapakilig

Mapapanood na si Arjo Atayde sa isang romcom ng Regal na Stranded kasama si Jessy Mendiola. Kahit gaano pa siya papurihan sa kanyang napaka-galing na performance sa Bagman sa iWant, maganda pa ring malaman kung pasado rin siya sa isang naiibang genre na magpapakilig sa manonood at hindi maglalagay sa kanila on the edge of their seat sa walang katapusang aksyon at violence ng Bagman.

Maituturing na man of the hour ang anak ni Sylvia Sanchez at kapatid ni Ria Atayde, dahil bukod sa nagkakasunod-sunod ang kanyang mga projects ay matagal din siyang pinag-usapan at naging kontrobersyal sa naging relasyon nila ni Maine Mendoza. Umani rin ng kontrobersya ang kapareha niya sa Stranded dahil sa diumano’y gagawin nitong paglipat sa GMA na pinabulaanan ng kapareha niya.

With their controversies and many stories inaasahang dudumugin ang kanilang movie.

ARIELLA ARIDA GRETCHEN HO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with