^

Pang Movies

Migo nagso-solo sa buhay!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ano kayang disiplina ang gagawin ng GMA Network kay Migo Adecer na na-report na nakipaghabulan siya sa pulis sa kahabaan ng J.P. Rizal Makati at nakasagasa ng dalawang pedestrians. Ang hindi pa maganda sa nangyari, nalamang he was driving under the influence o DUI na isang krimen.

Kung kakasuhan si Migo, makakasuhan din siya dahil nag-drive gamit ang fake license. Patung-patong na kaso ito, lagot nito si Migo sa management.

Kahit wala pang desisyon ang management kay Migo, marami ang nanghihinayang sa kanya. May dalawang projects si Migo, kasama siya sa Sahaya sa role ni Jordan, anak ni Eric Quizon at kasama rin siya sa cast ng pelikulang Black Lipstick na tampok sina Kyline Alcantara at Manolo Pedrosa.

Ang alam namin, mag-isang namumuhay dito dahil nasa Australia ang kanyang mga magulang at kapatid. Hindi kami sigurado kung si Kuh Ledesma pa rin ang guardian ni Migo dahil si Kuh ang tumayong manager ni Migo nang sumali ito sa Starstruck 6.

Z Boys at Z Girls pasok sa concert ng CR3W

Sinalubong sa airport ng kanilang Filipino fans ang Z Girls at Z Boys na nasa bansa dahil guest sila sa The CR3W concert nina Billy Crawford, Sam Concepcion at James Reid sa April 5, sa Smart Araneta Coliseum. Z-Pop Group ang tawag sa kanila at may Filipino members sa dalawang grupo.

This Thursday, makikilala natin ang Z Girls at Z Boys dahil may in-arrange na presscon para sa kanila ang Viva Artist Agency. Malalaman natin ang background ng Z Girls at Z Boys at kung paano naging member ang Pinoy na si Josh sa Z Boys at ang Pinay na si Carlyn sa Z Girls.

Malalaman din natin kung ano ang gagawin nila sa The CR3W concert at kung may production number ba sila kina Billy, Sam and James. Lalo nitong pinasaya ang concert dahil sa Z Boys at Z Girls.

Uyyy..

Super Tekla, Diyosa ang tingin kay Kim

Nabago ang playdate dahil mauuna nang ipa­labas ang pelikulang Kiko En Lala na launching movie ni Super Tekla kesa sa Family History nina Michael V at Dawn Zulueta. Sa May na raw ang playdate ng Kiko en Lala, kaya nag-pictorial na ang cast at sa June naman ang playdate ng Family History.

Sa TV interview kay Super Tekla, nagpasalamat ito sa GMA Network at sa GMA Picures sa pagtitiwala at pagbibigay sa kanya ng launching movie. “Diyosa” ang description nito sa leading lady niyang si Kim Domingo na kapareha ng karakter niyang si Kiko at si Derrick Monasterio naman ang love interest ng karakter niyang si Lala. Si Adolf Alix Jr., ang director nito.

Kasama rin sina AiAi delas Alas, Tetay at Kiray sa nabanggit na pelikula.

Parehong ang GMA Pictures ang producers ng dalawang pelikula, magkaiba lang ang co-producer. Ang sabi, marami pang naka-line up na gagawing pelikula ang GMA Picture at sana matuloy ang project nila para kay Alden.

vuukle comment

MIGO ADECER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with