Sam hinintay nang magka-girlfriend!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - March 26, 2019 - 12:00am

Ang kanta ni Sarah Geronimo na Ikot-Ikot ang nagsilbing inspirasyon ni Sam Concepcion para gawan ito ng sariling version.

Hindi madaling kantahin ang nasabing kanta, lalo pa at ang isang icon na tulad ni Sarah G. ang kumanta, pero maganda naman ang kinalabasan nito sa version ni Sam.

Samantala, hindi naman nagdamot si Sarah at binigyan niya ng basbas si Sam.

Malampasan kaya ni Sam ang record ng kantang Ikot-Ikot ni Sarah na humakot ng iba’t ibang awards?

Ang fans ni Sarah ay very supportive, hindi rin sila maramot at mahilig mam-bash.

Bilib din ang lahat sa music video ng nasabing cover dahil sa pinakitang dance moves ni Sam.

Noon pa man ay magaling na si Sam sa pagsayaw at pagkanta, sa darating nga na April 5, sa Araneta Coliseum ay gaganapin na ang concert nila nina James Reid at Billy Crawford na The Cr3w. Tampok din siya sa ginagawang pelikula ni Nadine Lustre na Indak bilang leading man nito na kung saan napabalitang marami raw silang halikan.

Hiling lang ng kanyang fans, sana ay makahanap na si Sam ng pangmatagalang relasyon para umayos na rin at magtuluy-tuloy ang kanyang career.

Nang huling beses kasing na-inlove ito at nasaktan sa ex-girlfriend niyang si Kiana Valenciano ay parang nawalan na siya ng ganang magtrabaho.

SAM CONCEPCION SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with