Death penalty dapat ibalik!
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - March 26, 2019 - 12:00am

Tama lang na ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang death penalty at sang-ayunan natin ang mga kandidatong senador na isasabatas na ibabalik ito.

Ang sama nang ginawa ng mga pumatay sa isang dalagita sa Cebu City (Lapu-lapu) na si Christine Lee Silawan, na natagpuang patay sa open area na puro damo na ‘di kalayuan sa bahay niya.

Only 16 years old, maganda at ang nakakatuwa pa, batang simbahan siya. Isang collector at maka-Diyos, pero masahol pa sa demonyo ang ginawang pagpatay sa kanya.

Sinira ang katauhan nito. Tama bang balatan ang kanyang mukha? kumbaga binura ang kanyang mukha, erase ika nga, tapos tinanggalan ng ilang bahagi ng kanyang laman-loob, eh sa ulam na kare-kare, laman-loob ng baka ang masarap at 30 times na pinagsasaksak. Halatang galit na galit ang gumawa nito. No laceration sa maselang bahagi ng ibaba ng biktima, meaning, hindi ito ni-rape. Grabe! Umamin naman agad ang kanyang nobyo na hawak na ng pulisya. Dahil daw sa selos kaya niya ito napatay.

Bruno mas type ang maging kontrabida

Malaki ang potensyal ng aktor na si Bruno Gabriel. Siya ang gumaganap na anak ni Teresa Loyzaga sa seryeng My Special Tatay.

Magkapatid sila nina Jillian Ward at Boyet (Ken Chan) na kapatid nila sa ama.

Hindi lang makisig si Bruno, maganda rin ang kanyang height at malaki ang katawan. at Bida-kontrabida ang dating niya, pero may balitang mas kontrabida ang type ni Bruno.

Kita naman natin, kulang tayo ng bad guy sa TV shows at pelikula. Dapat meron na tayong susunod sa yapak ng nag-iisang Eddie Garcia.

Si Bruno ay son ng aktres na si Lani Lobangco.

Action movies nagbibigay ng trabaho sa mga stuntman

Pupuyatin ka ng C1 (Cinema One) pero hindi ka magsisisi dahil halos lahat ng mga pelikulang pinapalabas ay magaganda.

Last Saturday night, nakadalawang movies akong pinanood. Pero yung last movie ay hitik sa action. Ang galing na action star si Erich Gonzales, grabe ang stunts niya, puro mahihirap. Sa screen, nakasulat ang tribute sa mga stuntman ng showbiz na si Baldo Marro, ang Father of Stunts.

Tribute sa kanya dahil wala na siya. Sa PMPC, noong ako ang presidente, nagkaroon ng Star Awards for Stuntman. Ang first award ay si yumaong Fernando Poe Jr. ang nag-award at sa napanood kong si Erich ang bida sa We Will Not Die Tonight na pelikula at direksiyon ni Richard Somes, hiling ko ay sana dumami ang gumawa ng mga ganito para magkaroon din ng maraming trabaho ang mga stuntman at stuntwoman.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with