Kapamilya at Kapuso stars wagi sa 50th Box-Office Awards!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 26, 2019 - 12:00am

Ginanap ang awards ceremony ng 50th Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scho­larship Foundation last Sunday, March 24, sa Star Theatre sa Star City.

Narito ang ilang sidelights sa said awards night hosted by Kapamilya stars Kim Chiu, Enchong Dee, Jerome Ponce, Elisse Joson and Jodi Sta. Maria.

Naunang binigyan ng award si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, as Bert Marcelo Lifetime Achievement Award. Biro niya, “kabuwanan ko na, narito pa ako.” Pinangarap pala ni Marian na makaganap siya bilang isang ina sa isa projects niya, at three years ago raw naging isang tunay na ina siya nang isilang niya ang panganay nila ng husband na si Dingdong Dantes, si Letizia Dantes. Ngayon, may kasunod na si Zia, na isisilang na niya anytime.

Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo naman ang itinampok na Phenomenal Stars of Philippine Cinema, bukod doon, sila rin at ang buong production ng movie nilang The Hows of Us ay binigyan ng Golden Jury Award for Highest Grossing Film of All-Time.

Mag-isa lamang dumalo ang nanalong Box-Office Queen, si Maine Mendoza, wala ang kanyang mga Box-Office Kings na sina Vic Sotto (na nasa Hong Kong at nagti-taping ng kanilang Lenten Special for Eat Bulaga.) Wala rin si Coco Martin, pareho sila ni Bossing Vic na nagpadala ng taped thank you messages. On her way palabas ng venue, nadaanan ni Maine sina Daniel at Kathryn at nag-beso beso sila.

Pinarangalan din ng gabing iyon ang tatlong icons ng Philippine Cinema na sina Eddie Garcia at Ms. Gloria Romero na binigyan ng Golden Jury Awards as All-Time Favorite Actor and Actress of All Time at ang Corazon Samaniego Lifetime Achievement Awardee at si Nora Aunor, pero tanging si Eddie Garcia lamang ang nakarating. Si Gloria ay ipinasok sa hospital dahil sa kanyang vertigo last Thursday at si Nora naman ay ipinasok din ng ospital last Saturday morning dahil sa pananakit ng paa. 

Ang mag-asawang Ogie at Regine Alcasid ang naghandog ng mga awit sa kanila. Sina Regine at Ogie naman ang tumanggap ng Male and Female Concert Performer of the Year respectively.

Tinanggap naman ni Judy Ann Santos ang kanyang first Comedy Actress Award sa pagganap nila ni Angelica Panganiban sa Ang Dalawang Mrs. Reyes, pero hindi nakarating si Angelica na winner din. Napili ring Female Star of the Night si Juday at bukod sa gifts and flowers, may 25k cash prize din siyang tinanggap. Pareho sila ni Joshua Garcia na nanalo namang Male Star of the Night.

Pinaka-excited ang bida ng seryeng Onanay na si Jo Berry dahil sa first acting award niya as Most Promising Female Star for Television sa pagganap niya sa nasabing serye.

Na-excite rin si Ken Chan dahil bukod sa kanyang TV Actor of the Year Daytime Drama award for My Special Tatay, mas na-excite siya na nanalo rin ang kanilang soap as Popular Daytime Drama.

Produced by Airtime Marketing Inc. ni Tessie Celestino ang 50th Box Office Entertainment Awards. Mapapanood ang kabuan ng awards night sa Sunday, March 31, sa ABS-CBN, pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

50TH BOX-OFFICE ENTERTAINMENT AWARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with