Sofia umaming sabay silang nagkaroon ng depression ni Diego
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - March 26, 2019 - 12:00am

Inamin ng dating ka-loveteam at ex-girlfriend ni Diego Loyzaga na si Sofia Andres na hindi ito nagulat sa biglang pagkawala ng aktor sa showbiz. Alam daw kasi ni Sofia na may pinagdaraanan na depression si Diego kaya nagkaroon ng balitang nagtangka itong mag-suicide. Matagal na raw na hindi nagkakausap sina Sofia at Diego, pero alam daw niya ang naging problema nito.

“Actually, we have depression before, anxiety, which is normal for us. Siguro sa kanya, sa mga pinagdadaanan niya sa life, I don’t know kung ano ang nangyari sa kanya, pero I’m not quite surprised,” sey ni Sofia.

Naiyak nga raw ang aktres nang malaman niya ang nangyari kay Diego. Pero hindi raw niyang nagawang tawagan ito dahil matagal na raw silang walang kaugnayan ni Diego. “Sobra, I cried, but I didn’t try to call anyone. It’s not my responsibilty anymore. Mahirap ding ma-involve kasi dati sobrang gulo,” diin pa ni Sofia.

Though kinukumusta naman daw niya si Diego sa handler at road manager nito, mas makakabuti raw sa aktor na huwag na munang bumalik sa showbiz dahil baka raw naging masyadong toxic ito sa aktor. Iwasan din daw muna sana ni Diego ang magkaroon siya ng presence sa social media.

Nico, Erwan at Matteo, tutulong sa proteksiyon ng kalikasan!

Volunteers na ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) sina Nico Bolzico, Erwan Heussaff at Matteo Guidicelli. Ito ay dahil sa common friends nila na sina Jacques Branellec, husband of Cebuana fashion designer Mia Arcenas.

Proud naman na nag-share ang mister ni Solenn Heussaff ng photo sa IG kung saan suot nito ang kanyang PCGA uniform kasama ng mga newly inducted officers.

Nag-volunteer si Nico sa PCGA dahil ito raw ang paraang alam niya para makapagpasalamat.

Pihadong proud ang misis ni Erwan na si Anne Curtis at ang girlfriend ni Matteo na si Sarah Geronimo sa pag-volunteer ng mga partners nila para sa proteksyon ng kalikasan.

Lady Gaga, Marvel actor ang bagong dini-date

How true na ang bagong dine-date ni Lady Gaga ay ang Hollywood actor na si Jeremy Renner?

Binalita ng Us Weekly na namataan si Gaga na very sweet kasama ang two-time Oscar nominee at Marvel film actor. Gumaganap bilang Hawkeye si Renner sa Avenger movies.

Pero ang pakikipag-date raw ni Gaga sa 48-year old actor ay kasama ang 6-year old daughter nito na si Ava mula sa ex-wife na si Sonni Pacheco.

Mukhang nakaka-recover na si Gaga pagkatapos ng kanyang pakikipaghiwalay sa kanyang fiance na si Christian Carino. 

Mga new friend daw ni Gaga ngayon ay sina Lisa Vanderpump and Ken Todd at parati silang nakikita sa Pump Restaurant.

DIEGO LOYZAGA SOFIA ANDRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with