^

Pang Movies

Bianca at kuya ni Iza nili-lnk!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bianca at kuya ni Iza nili-lnk!

Ang kuya ni Iza Calzado na si Dash ang na­tsitsismis na bagong inspirasyon ni Bianca King pero hindi pa nagsasalita ang dalawa sa tunay na status ng friendship nila.

Parehong dumalo sina Bianca at Dash sa red carpet premiere ng Mystified noong Sabado pero hindi sila magkasabay na dumating.

Nauna raw ang arrival ni Dash at sumunod si Bianca na naghanap pa ng mauupuan niya. Hindi lang sure ang mga eyewitness kung magkatabi sa  sila sa upuan.

Hindi lamang basta kapatid ni Iza si Dash dahil naging member ito ng isang Pinoy rap group noong ‘90’s, ang Legit Misfitz. Mas nauna pa yata si Dash sa pumasok sa showbiz kesa kay Iza.

Binuko ni Eric, aktres tumangging itaas ang kamay dahil sa maitim na kili-kili!

Nakakatawa ang kuwento ni Eric Quizon tungkol sa mga artista nga­yon na maraming arte sa katawan.

Noong panahon ni Eric at ng mga artista na kasabayan nito, kapag sinabi ng direktor na kailangan nila na magsuot ng swimming trunks para sa isang eksena, hindi sila nagrereklamo.

Iba na ngayon ang mga artista dahil tumatanggi sila sa mga eksena na ipinagagawa sa kanila.

May nabanggit na kuwento si Eric tungkol sa aktres na hindi pumayag na itaas ang kanyang kamay sa isang eksena dahil maitim ang kili-kili niya.

Siyempre, hindi pinangalanan ni Eric ang aktres na may dark underarms para hindi na lumaki ang isyu.

Sa panahon ngayon na marami nang paraan para pumuti ang kili-kili, ang aktres na tinutukoy ni Eric ang may problema dahil hindi siya nag-i-invest para sa ikakikinis ng balat at ikapuputi ng singit niya. Parang imposible na hindi niya alam na marami nang mga whitening soap na mura na nabibili sa mga supermarket at drug stores.

Dapat na mahiya sila kay Eric na likas na makinis ang balat at palaging amoy mabango, kahit dusa ang taping nila sa Calatagan, Batangas para sa Sahaya. Land grabber ang role ni Eric sa primetime television series ng GMA-7.

vuukle comment

BIANCA KING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with