Juday
Juday hinihiritan ng eksaktong project!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

Matagal na rin namang walang ginagawang pelikula si Judy Ann Santos. Lalong mas matagal na panahon na ang nakaraan kung ang tatanungin mo ay kung kailan siya gumawa ng isang hit movie. May panahon din kasing sumabak siya sa mga indie films na alam naman nating hindi kumita. Hindi ninyo masisisi si Juday, talagang walang market basta sinabi mong indie films.

Iyan kasing mga indie, tutal maliit lang naman ang puhunan, nakakabawi iyan kung ipinalalabas na nila sa mga eskuwelahan, minsan sa mga lumang sinehan o kaya kahit na kamalig lang sa probinsiya. Pero sa sinehan talaga, hindi tatagal iyan.

Ngayon sinasabing babalik na si Juday sa mainstream movies, na siya namang dapat. Malakas din ang mga usapan na baka nga raw silang dalawa ni Piolo Pascual ang magtatambal? Palagay namin hindi magandang ideya iyan. Nakita naman ninyo kung ano na ang nangyayari sa mga ibinabalik na love teams. Hindi ba lahat naman ng mga ibinalik na love teams wala rin?

In the first place, ang pinaka malalaking hits ni Juday ay hindi ang mga pelikula nila ni Piolo. Walang duda, ang pinakamalaking pelikula ni Juday ay iyong katambal niya si Fernando Poe Jr. Pero bukod doon ang talagang mga kumitang pelikula ni Juday, ang ka-love team pa niya ay si Wowie de Guzman. Noong panahong sila ang gumagawa ng pelikula, kasabihan na nga na parang “picking apples” lang sila. Naghihintay na lang ng kita ang ibig sabihin noon.

Duda rin naman kami kung ano ang mangyayari kung si Wowie de Guzman ang makakatambal niya sa ngayon, pero ang paniwala namin, dapat naman bigyan nila si Juday ng isang sensible project, iyong makakapagbalik sa kanya sa dati niyang status bilang isang aktres. Magaling na artista si Juday, kailangan nga lang mabigyan siya ng tamang project.

Sumunod na pelikula sa LizQuen, bagsak pa rin!

Ang malungkot na narinig namin, pagkatapos daw ng pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil na naging isang hit naman, in fairness, bagsak na naman ang lahat ng mga kasunod na pelikula. Mapapansin mo lahat sila nagkukumahog na magpa-block screening para hindi naman nakakahiyang mawala na lang sila sa mga sinehan.

Doon nga sa isang mall malapit sa bahay namin, ni hindi naipalabas ang mga bagong pelikula this week. Ang palabas pa ay isang pelikulang tagalog na tatlong linggo na yata sa sinehan kahit na mahina rin. Ibig sabihin iyong mga ipinalabas nitong linggong ito, lahat ay naghilahod sa takilya.

Awang-awa kami nang may nag-post pa sa social media ng isang block screening ng isang pelikula. Panay ang puri nila na maganda ang pelikula, pero kahit na nga block screening na, hindi pa rin nila napuno ang isang maliit na sinehan. Kung iisipin mo, maliit na sinehan lang iyon. Ginagamit lang iyon sa special screenings. Halos malaki lang nang kaunti sa preview room.

Singer kumpirmadong basagulero

Galing kami noong isang araw sa isang photo finishing shop, at ang narinig naming pinag-uusapan ay isang basagulerong singer. Iyon yata iyong nagmura pa sa mga fans. Pinag-uusapan nila ang isang insidente na dumating daw iyon sa shop na may sugat sa kamay, at ang kuwento, may sinapak kasi siya. Aba eh talaga palang may ugali.

Iyang mga artista, hindi tamang lahat ay dinadaan sa init ng ulo. Kung minsan baka matiyempuhan kayo sa init ng ulo ninyo, sasabihin na lang ninyo suwerte.

JUDAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with