Toxic free na raw, Angelica todo buyangyang sa Bora
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

Controversial na naman ang post ni Angelica Panganiban na “Realizing you are now toxic free” habang nagbabakasyon sa Boracay. Ang feeling kasi ng mga nakabasa, may pinatatamaan na naman ang aktres at pati nga ang showbiz friends ni Angelica, ganu’n din ang dating ng post ng aktres, batay sa reaction nila.

Hindi maiwasang isipin ng mga nakabasa na si Carlo Aquino ang pinatutsadahan ni Angelica sa kanyang post dahil mula nang magkaroon sila ng isyu ng ex-BF, hindi na siya tinigilan ng controversy at pang-aaway ng ilang fans.

Umaasa ang fans ni Angelika na after ng chapter nila ni Carlo, makahanap siya ng right guy na mamahalin at tatanggapin siya the way she is. Sabi nga ng mga kaibigan nito, ang nagiging kasalanan lang ni Angelica ‘pag nagmamahal ay sobrang pagmamahal ang ibinibigay sa lalake at hindi nag-iiwan ng para sa kanya.

Hindi na friends sina Angelica at Carlo at nabanggit ng aktres na ayaw na niyang muling makatrabaho ang aktor na ikinalungkot ng kanilang fans.

Nadine nakaka-distract ang kaseksihan

Naka-display sa window display ng H&M Gateway ang malaking picture ni Nadine Lustre suot ang isa sa 40 style ng swimsuit collection under Selected By Nadine. Napapatigil ang mallers para tingnan ang billboard ni Nadine.

Kahapon, nasa SM Makati ang aktres para ipaalam na mabibili na ang swimsuit collection niya sa H&M under her name. Siguro naman, may mga susunod pang appearance sa mga branch ng H&M si Nadine.

Sa March 26, sa Super Party ng Lazada sa Indonesia mapapanood si Nadine dahil kasama siya sa performers na makakasama ni Dua Lipa. Makakasama rin sa anniversary party sina Pia Wurtzbach, Sam Concepcion at marami pang iba.

Also, on April 5, maggi-guest si Nadine sa The CR3W concert nina Sam, James Reid at Billy Crawford. Surprise ang production number na gagawin ng dalawa para sa kanilang fans na nami-miss na silang mapanood na magkasama.

TOXIC FREE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with