Nora
Nora isinugod sa ospital, inatake ng sakit ng paa
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

Ikinalulungkot ni Nora Aunor na hindi siya nakarating sa 50th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards na ginanap na kagabi sa Star Theater, CCP Complex. Ang Superstar ang recipient ng Cora Samaniego Lifetime Achievement Award at naka-ready na siya talaga para dumalo sa awarding ceremony.

In fact, may glam team na nga siya at dalawa pa raw ang pinatahing gown. Pati nga ang speech na ay naka-ready na.

Pero isinugod sa hospital si ate Guy ng Sabado ng madaling-araw dahil mataas ang lagnat at masakit din ang kanyang paa dahil mataas din ang kanyang uric acid.

Sa halip ay ipinadala na lang ni Nora ang kanyang speech sa awarding ceremony.

Narito ang bahagi ng speech ni ate Guy:

“Mahalaga po ba akin na magawaran ng ganito dahil halos 50 taon na ang nakaraan nun’g una akong gawaran ng Box Office Queen ng Guillermo. Taong 1971 to 1974 at naulit pa po yan ng apat na beses pa uli sa aking buong career bilang artista.

“Bakit po ba mahalaga ang karangalang ito? Dahil ito po ay patunay ng walang suporta ng mga manonood ng pelikulang Pilipino. Mga manonood na tumangkilik ng aking mga pelikula lalong-lalo na ang aking walang sawang mga fans. Ang aking mga Noranians. Sabi nga po ng kanta , ‘dahil sa inyo, napunta ako sa aking nais marating.’ Sa tulong po niya, ang isang batang taga-Iriga ay nabigyan ng puwang sa mundo ng showbusiness. Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo.

“Tinanghal po akong Box Office Queen at tinawag na Superstar, ngunit higit sa mga titulong ‘yan, ang mas mahalaga para sa akin ay sa pamamagitan ng mga pelikula kong inyong tinangkilik, sa mga sining na aking naiambag sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino, ay nakapagdulot ako ng ngiti sa inyong mga mukha, nakapagpatawa at nakapagpaiyak. Nakapagbigay ng pag-asa sa mga panahong kailangang-kailangan natin ng kakapitan at sana din po sa aking munting paraan bilang isang artista ng bayan ay nakapagbigay ng inspirasyon.

“Hindi po ako perpekto ngunit sa kabila ng aking mga pagkukulang ay patuloy ninyong pinadarama ang inyong pagmamahal para sa isang Nora Aunor. At dahil sa pagmamahal na ‘yan, nagiging mas makabuluhan ang parangal na kagaya nito.”

Ngayong araw na ito nakatakdang lumabas si ate Guy sa hospital dahil kahapon ay medyo okay na raw ito.

Empress masuwerte sa partner

Natatawa na lang si Empress Schuck kapag sinasabi sa kanyang mayaman ang kanyang current partner at ama ng anak niyang si Vino Guingona, apo ni dating Vice President Teofisto Guingona, Jr.

“Kumportable,” ang natatawang pagku­ku­rek ni Empress sa “mayaman” description.

Natutuwa naman siya na hindi siya pinagbabawalan nito na mag-artistang muli at aniya, “ako nga ‘yung nagtataka sa kanya, ba’t okay lang sa kanya, wala siya talagang angal.”

Lagi nga raw sinasabi ni Vino sa kanya, “bago kita nakilala, ‘yan na ang ginagawa mo, so, anon’g karapatan ko para pagbawalan kita?”

Naiintindihan daw nito kahit minsan, wala siya sa bahay at nagti-taping.

“Kaya nga napakasaya ko kasi, nakapaka-understanding niya. Ako pa talaga ‘yung nagtatanong, ‘hindi ka ba nagseselos?’ natatawang sey ni Empress.

Pero nope, hindi raw talaga seloso ang partner kaya naman very smooth daw ang kanilang relasyon.

Sa ngayon ay napapanood si Empress sa ser­yeng Hiram na Anak sa GMA-7 kung saan ay puring-puri ang pagganap niya bilang Rowena.

NORA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with