^

Pang Movies

Angel uunahan na si Pia sa paggawa ng Hollywood film

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Angel uunahan na si Pia sa paggawa ng Hollywood film
Angel

Kapag natuloy ang plano ng isang concept designer ng Marvel na si Anthony Francisco ay baka maunahan pa ni Angel Locsin si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na makalabas sa isang produksyon ng Marvel. 

May na-create na isang Pinoy heroine ang pamosong kumpanya na nagsasabuhay ng mga comic heroes sa pelikula.

Pinangalanang Wave ang nasabing bagong karakter, may sandata itong kampilan at kumuha ng ins­pirasyon sa isang Visayan story. Si Angel ang napili ng designer nito mismo dahil marahil sa naging pagganap niya bilang Darna at sa kasalukuyang tumatakbong The General’s Daughter na kung saan ay makikita siyang gumagawa ng mga eksenang aksyon.

Cristine pagod nang maapi, mas gusto nang nang-aapi!

Hindi ang kanyang pagpapaseksi ang gustong balikan ni Cristine Reyes ngayong napagpasyahan niyang balikan ang kanyang pag-aartista. Pero dahil mahirap itago ang hindi kumukupas na ganda at kaseksihan niya sa kabila ng pagkakaroon ng isang anak na babae at pagiging 30 taong gulang. Natural lamang na lumabas at nakita ito sa pelikula niyang Maria, isang all out action na first time niyang ginawa. Binalikan na rin niya ang paggawa ng serye sa TV.

 Kontrabida ang role niya na hiniling niya dahil nagsasawa na raw siya ng inaapi. Gusto naman niyang siya naman ang mang-aapi.

 She also finds being a kontrabida more challenging. Inamin ni Cristine na ipinagdasal niya na mabalikan ang kanyang karera sa pag-aartista na iniwan niya nang magpasya siyang mag-asawa.

PMPC may pa-badminton tournament sa mga celebrity

Sa darating na March 31 ay idaraos ang 5th PMPC Celebrity Badminton Tournament na gaganapin sa Powerplay Badminton Center na matatagpuan sa Apo Street cor. Quezon Avenue, Sta. Mesa Heights, Quezon City.

Open ang tournament na ito sa mga celebrities at non-celebrity kaya kung nais ninyong sumali ay pumunta ng maaga at magpatala. Mag-uumpisa ang tournament ng 1:00 pm at magtatapos ng 7:00 pm.

Ang paglalabanang categories ay men’s singles, men’s doubles, women’s singles, mix doubles, singles (level A and level B).

Sa mga sasali, mayroon itong minimal entrance fee na mapupunta sa pondo ng Philippine Movie Press Club, Inc.

Ang magsisipagwagi ay makakatanggap ng cash and trophies.

vuukle comment

ANGEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with