Jona
Natakot sa tsismis sa kanila, Driver ni Jona napilitang mag-resign
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - March 23, 2019 - 12:00am

Para sa concert na Aces nina Lani Misalucha, Jona at Darren Espanto, kinailangang pagbigyan nina Jona at Lani na pumunta sa isang gay bar na inaasahan nilang maipo-promote nila ang kanilang palabas na nakatakdang mapanood sa Araneta Coliseum sa March 30.

Kahit hindi sanay sa mga ganung lugar, inamin ni Jona na nag-enjoy siya sa mga napanood at nakakita pa ng mara­ming magagaling na singer na hindi pa nadidiskubre.

Sa kanyang paggi-guest sa programa ni Boy Abunda, itinanggi ni Jona ang hindi magandang balita na nabuntis siya diumano ng kanyang driver. “Kawawa naman ang driver ko, napilitang magpaalam sa takot sa lumabas na balita,” pagtatanggol ng singer na tahimik ang buhay.

Ronnie puwedeng masapawan ni Donny

Pati si Donny Pangilinan ay mahihiwalay rin sa loveteam niyang si Kisses Delavin. Magsisilbi siyang third wheel sa sequel ng Vince, Kath & James nina Ronnie Alonte, Julia Barretto at Joshua Garcia na James, Pat & Dave na pagsasamahan ng magdyowang Ronnie at Loisa Andalio.

Nagsisimula nang magpapansin sa The General’s Daughter sina Ronnie at Loisa.  Kuwidaw lang si Ronnie dahil nakapag-establish na ng sarili niya ang ka-loveteam ni Kisses. Baka kahit hindi nito sadyain ay makasapaw ito sa kanya.

Jilian Ward tumataba na rin

Hindi isang sitcom ang My Special Tatay na nagtatampok kina Ken Chan at Rita Daniela pero sa ganitong palabas nababagay ang mga nagtatabaang sina Rita at Candy Pangilinan.

Maski na sina Lilet at Jillian Ward ay nagsisimula na ring lumaki ang katawan. Mabuti na lamang at magagaling silang lahat na artista, nakukuha pa rin nila maipamalas ang kinakailangan na emosyon sa mga pinagdadaanan nina Boyet (Ken) at Aubrey (Rita) na pinatunayan na bukod sa pagiging isang mahusay na singer ay mahusay din siyang artista, at hindi lamang sa pagganap ng role ng kontrabida.

TSISMIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with