ArMaine
Maine at Arjo nagpaka-ordinary sa theme park
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 23, 2019 - 12:00am

Ayaw sana naming sabihin kung sino sila eh, dahil ang paniwala namin, noong masalubong namin sila habang namamasyal sa Star City, private moments naman nila iyon. Iyang mga artista may privacy rin naman at kailangan nating irespeto iyon.

In the first place nang masalubong nga namin sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, may suot pa silang face mask, ibig sabihin ayaw nilang makita sila ng publiko na magkasama. Ayaw din siguro nilang maistorbo sila dahil kung makikita sila ng ibang tao sa park, at maraming tao noong gabing iyon, tiyak na uusyosohin sila.

Ilang beses silang pabalik-balik nang sakay doon sa Star Flyer, at talagang nagkakatuwaan. Nang malaunan inalis na rin ni Maine ang kanyang suot na face mask, at ganoon din ang ginawa ni Arjo.

Hindi ba may lumalabas na issue na kaya raw kahit na sa Eat Bulaga hindi nakikita si Maine dahil masyado siyang busy. Kaya nga naisip din namin na kung ibabalita naming nakita namin sila, baka ma­ging issue pa na busy lang kunwari pero panay ang pasyal.

Kaso hindi mo maililihim talaga, kasi napakaraming tao na nakakita sa kanila. Wala namang masama roon, namasyal lang sila. Nag-enjoy lang sila. Hindi lang naman sina Maine at Arjo ang ganyan. Maraming artista ang gumagawa niyan, kasi kailangan din naman nila ng break. Kailangan din naman nila ng relief sa trabaho nila. Kaya kung may time, nag-eenjoy naman sila.

In fairness kina Arjo at Maine, pumipila sila nang maayos sa rides. Kung gusto man nilang bumalik, nakita namin na nagbalik sila sa hulihan ng pila. Hindi sila iyong dahil artista gustong sumingit, gusto VIP sila. Gusto pabebe. Hindi ganoon sina Maine at Arjo. Doon simpleng tao lang sila.

Noong araw na iyon, nakita rin namin ang mag-syota ring sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa Star City, pero hindi sila namasyal doon. Nag-taping sila ng kanilang serye.

Manghuhula nakisawsaw sa pagkasira ng korona ni Catriona 

Natawa na lang kami sa isang manghuhula na nagsabi namang nakakatakot ang nakita niyang pangitain matapos na masira ang Mikimoto crown sa ulo mismo ni Miss Universe Catriona Gray. Pero kung nagkaroon siya ng pangitain, bakit ngayon lang, matapos na aminin ni Cat na nasira nga iyon dahil sa kasasayaw niya noon sa parada roon sa Cubao, eh ang tagal nang nangyari noon.

Isa pa, siya rin yung manghuhula na nagsabing magre-retire na siya kung hindi mananalo ang kandidato noong nakaraang eleksiyon na hinulaan niyang magiging presidente ng Pilipinas. Iyan din ang humula noong araw na siguradong magpapakasal at magiging mag-asawa sina Dina Bonnevie at ang yumaong actor na si Alfie Anido.

Aba, nandiyan pa pala siya. Hindi pa nagre-retire. At may mga movie reporter pa ring naniniwala sa kanya hanggang ngayon ha. Ano ang “dahilan” ng paniniwala nila sa kanyang mga hula?

Aktor dating Annie sa Malate

Itsinitsismis nilang bading ang isang male star na nagmo-model na rin ngayon para sa isang factory ng brief. Tantanan na ninyo ang tsismis. Sobra naman iyong sinasabing siya ang “Annie Batungbakal ng mga gay bar sa Malate” noong araw.

Bigyan naman ninyo ng second chance iyong bata kahit na ba bading nga siya.

MAINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with