Rita inuulan ng mamahaling regalo ng fans
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

Inamin ng actress-singer na si Rita Daniela na sa ilang taon niya sa GMA Network, first time lamang nabigyan siya ng lead role, as Aubrey sa My Special Tatay katambal si Ken Chan.

“Nakakaiyak din po na ngayon lamang ako nagkaroon talaga ng fans. Overwhelmed ako sa mga ipinapakita nila sa akin kapag dumadalaw sila sa set namin ng My Special Tatay. Nakakatuwa na madalas silang magdala ng pagkain sa set, hindi lamang para sa akin kundi sa aming lahat. Alam ba ninyong itong cellphone kong gamit ngayon, bigay nila, first time ko ring nagkaroon ng ipad, bigay din nila, then branded shoes, handbags, at ang naka-shock sa akin, binigyan nila ako ng personalized microphone, may sarili na akong mic na gamit kapag naggi-guest ako sa mga shows na kakanta ako. Isang Sennheiser mic, color silver, at hindi ko alam na ganoong kamahal pala iyon,” kuwento ni Rita.

Kaya labis-labis daw ang pasasalamat niya, medyo malungkot lamang dahil finale week na ng My Special Tatay starting Monday, March 25.

“Pero sana po ay manood sila ng concert namin ni Ken, ang My Special Love #BoBreyInConcert sa May 11, 2019, sa Music Museum. Kita-kita po tayo, para sa inyo ito, bilang pasasalamat sa pagtangkilik ninyo sa amin at sa My Special Tatay.”

Dabarkads nag-shopping muna sa HK!

Live na ang Eat Bulaga ngayong Friday, March 22. Kahapon pa raw ng umaga dumating mula sa Hong Kong ang Dabarkads. 

Mukhang nag-shopping pa sila sa Hong Kong kaya kagabi lamang sila bumalik ng Pilipinas. Pero si Alden Richards ay kahapon pa raw ng umaga dumating ng Pilipinas dahil mayroon siyang show na pinuntahan kagabi, after lamang niyang magpahinga.

 

RITA DANIELA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with