ArMaine fans club may launching na!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, ilang mga fan ni Maine Mendoza ang nagkuwento sa akin na may nabuo na talagang fan club ang phenomenal star ng Eat Bulaga at ang lalaking pinakamalapit sa puso niya, si Arjo Atayde.

Totoo nga raw ang ArMaine love team.

Sa katunayan, malapit na raw ang induction ng officers ng ArMaine.

Sa isang posh hotel sa may Ortigas Center ang event na ‘yon.

Ang tsika, inaalam na raw ng officers ng ArMaine fan club ang free day nina Arjo at Maine dahil gusto nila na maka-attend ang bagong power couple sa event nila.

Marami nga sa mga fan ng ArMaine ang duma­ting sa special screening ng Bagman digital movie ni Arjo (na ipinalalabas na ngayon sa digital app ng ABS-CBN, ang iWant).

May pinagawa pang special cake ang mga ArMaine fan na ang pinakaibabaw ay ang poster ng Bagman.

Pinost nga ni Arjo sa kanyang Instagram account ang cake na ‘yon kasama ang mga ArMaine fan at ang caption ay, “This is too sweet for me not to post! Even if I know I’ll be bashed again HAHAHAHAHA! Thank you ARMAINE, thank you for the sweet surprise! Super appreciate you guys. Salamat.”

Anyway, maganda nga pala ang nangyayari ngayon sa Bagman ni Arjo dahil marami ang nanonood nito sa iWant.

Jugs at Teddy lilipad pa-indonesia para magpa-sample

Sa Sunday ang alis ng It’s Showtime hosts na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz papuntang Indonesia para um-attend sa pilot telecast doon ng first international franchise ng nasabing noontime show.

Sabi nina Jugs at Teddy, big honor sa kanila na may franchise na nga sa Indonesia ang It’s Showtime.

Sabi ni Teddy, mag-o-observe raw sila sa pilot telecast ng It’s Showtime roon.

Hindi raw talaga sila magho-host dahil hindi naman daw ganoon ang sinabi sa kanila. “We’re going there to support!” sabi naman ni Jugs.

Nakakaaliw nga pala na pinag-aralan nina Jugs at Teddy ang It’s Showtime Indonesia theme song para kung sakaling mag-ask sa kanila na magpa-sample.

Ang ABS-CBN management naman, very proud and happy na may It’s Showtime franchise sa Indonesia.

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with