Young actress pinapapayat na ng network
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

Sinabihan ng network executives ang isang young actress (YA) na magpapayat. Wala pa namang fat memo na tinanggap si YA. May kaugnayan sa next project niya ang magbawas ng timbang.

May nagawa na rin namang lead series ang YA sa network. Sa totoo lang, halos nonstop nga ito mula nang maging contract artist siya. Kaya tiyak na kaiinggitan naman siya ng co-artists niya sa network kapag siya ang kinuha sa bagong show ng istasyon.

Eh sa series na Tagalog version ng isang programa na napanood din sa same network, ang YA lang ang nag-iisang babae sa mga bida. Pawang lalaki ang co-stars niya kaya bidang-bida si YA.

Confidential pa ang ilang detalye ng series pero hindi ito Tagalized version ng sikat na Koreanovela, huh!

Enchong hinanapan ng bukol

Hinanapan ng bukol si Enchong Dee ng isang netizen sa picture na pinost niya habang nasa Boracay na suot ang white swimming trunk.

“No bulge?” tanong ng netizen. Deadma naman si Enchong sa tanong.

Pero sa totoo lang, dala-dala niya hanggang Boracay ang epekto ng dinaluhang event ng grupong Reef Check Philippines bilang host. Ang layunin ng grupo ay coastal clean up ng Manila Bay para labanan ang plastic pollution sa dagat.

Gaya ng grupo, gusto rin ni Enchong ng malinis na karagatan kaya simpleng saad ni Enchong sa caption, “Clean coastline makes me smile.”

Swimmer muna si Enchong bago naging artista kaya naman gusto niyang malinis ang nilalanguyan, huh!

ENCHONG DEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with