Maine at Arjo nag-pictorial!
Vir Gonzales (Pang-masa) - March 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang sightings sa love birds na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Mahahalatang proud sila sa isa’t isa at handang ipaglaban kung anuman ang meron sila.

 

Kamakailan ay nabalitang magkasama sila para sa isang photoshoot. Naispatan agad sila pagkagaling ni Maine from Israel.

Nag-iisip tuloy ang kanilang followers/bashers kung para saan yun. May ia-announce kaya ulit sila?

Common knowledge na gagawa siya ng pelikula kasama si Kathryn Bernardo. Matagal nang pangarap ni Alden na maidirek ni Cathy Garcia-Molina na ngayon nga ay matutupad na.

Posible kayang malampasan ng KathDen ang kinita ng The How’s of Us ng KathNiel?

Tuloy ang pagtakbo…

Tuloy ang pagtakbo ng dating aktres na si konsehala Barbara Milano bilang vice mayor ng Talavera, Nueva Ecija.

Sa pagka-governor naman ng Bulacan tatakbo si Daniel Fernando, vice mayor of Makati naman si Monsour del Rosario, vice governor sa Camarines Sur si Imelda Papin, at vice mayor sa Pola, Oriental Mindoro ang tatakbuhin ni Ina Alegre.

Poong Nazareno dadalaw sa Baliwag

Sa March 22 (Friday), ang Poong Mahal na Nazareno ng Quiapo ay magiging panauhin sa simbahan ng Baliuag, Bulacan. Lahat ng mga kababa-yan sa Bulacan ay inaanyayahang bumisita sa Mahal na Patron.

Ang imbitasyon ay galing sa hermano mayor ng Baliuag na si Jorge Allan Tengco, Mr. & Mrs. Lito at Ka Amy Tengco.

Personal…

Our deepest condolences sa pagyao ng dating mayor ng Baliuag, Bulacan na si Romeo Estrella.

Pakikiramay mula sa alumni ng Baliuag Academy batch group.                    

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with