Dabarkads nakarating sa lowest part ng earth!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 21, 2019 - 12:00am

Thankful ang Dabarkads ng Eat Bulaga kay Mr. Antonio P. Tuviera, dahil napuntahan nila lahat ang important places sa Israel sa pilgrimage nila sa Holy Land as a Holy Week vacation courtesy of the big boss ng longest running noontime show.

 

Hindi nila malilimutan ang mga pilgrimage places mula sa Tel Aviv, Tiberias, Nazareth, Jordan River, Jerusalem, Bethelehem at sa sinasabing lowest part of earth, ang Petra, Ma’An Jordan. At siyempre, hindi kumpleto ang pagpunta roon kung hindi nila na-experience ang paglusong sa Dead Sea, ang salt lake bordering Israel and Jordan, na tinawag namang lowest point of dry land.

Hindi sinayang nina Alden Richards, Luanne Dy, Pia Guanio, Wally Bayola ang paglusong sa Dead Sea or Salt Lake, na hindi ka puwedeng mag-swimming dahil hindi ka lulubog at kusa kang magpu-float, (tulad ni Alden sa picture), dahil nga puno ng salt ang tubig, iyon nga lamang, allowed ka lamang mag-stay sa tubig ng around twenty minutes dahil delikado. Walang nabubuhay na living being doon dahil sa mataas na content ng salt. Kaya once na umahon ka na sa tubig, kailangan mong mag-shower agad sa mga showers na nakapaligid doon, para matanggal ang salt sa katawan mo.

Last Tuesday evening ay nagkaroon ang Dabarkads ng isang sumptuous dinner sa Tel Aviv, na sabi ni Ryan Agoncillo ay isa sa dinarayong restaurants doon.

Sen. JV walang ambisyong maging presidente

“Bawal magkasakit dahil magastos magkasakit” ay magiging thing of the past na lamang dahil isa ito sa mga law na naipasa ni reelectionist Senator JV Ejercito, ang Universal Health Care Act matapos itong malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pamamagitan ng batas na ito, lahat ng mga Pilipino ay automatic nang magiging member ng PhilHealth at mako-cover na sila ng National Health Insurance Program of the government. Ibig sabihin, hindi na mag-aalaala ang ating mga kababayan kapag nagkasakit sila dahil may tutulong na sa kanila.  Isa rin sa aasikasuhin ni Sen. JV kapag muli siyang nahalal ay magkaroon lagi ng budget ang Health Facilities Enhancement Program.

Pero hindi lamang ang bagong batas na ito ang pagtutuunan ng pansin ni Sen. JV, dahil gumagawa rin siya ng paraan kung paano maso-solve ang traffic natin, sa pamamagitan ng patuloy na pagpapatayo ng MRT stations sa mga masisikip na lugar tulad nang ginagawa nila ngayon na MRT na aabot na hanggang Malolos. Open din si Sen. JV na tumulong sa paggawa ng law na pwedeng magpababa ng bayad sa mga sinehan para makatulong sa ating movie industry.

Natanong din si Sen. JV kung may ambisyon din siyang maging President tulad ng ama nilang si dating President Joseph Estrada?

“Iyong ma-re-elect lamang ako bilang Senador sa Mayo, masaya na po ako, para maituloy ko ang mga gusto kong gawin para sa ating mga kababayan.”

Pareho silang kandidato muling Senador ng kapatid niyang si former Senator Jinggoy Estrada at sabi na lamang ni Sen. JV: “good luck po sa aming dalawa.”

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with