Best friend ni Kylie Jenner nagsalita sa pang-aagaw
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - March 21, 2019 - 12:00am

May trust issues na raw ang reality star at make-up mogul na si Kylie Jenner pagdating sa pagpili ng mga magiging kaibigan.

 

Nadismaya raw siya sa former best friend niyang si Jordyn Woods dahil sa pagpatol nito kay Tristan Thompson, ang boyfriend ng kanyang nakakatandang kapatid na si Khloe Kardashian.

As for Jordyn, unti-unti na raw itong nagmu-move on, ngayon ay hindi na siya associated sa Kardashian-Jenner Family.

Best friends sina Kylie at Jordyn since high school. Pinatira pa ni Kylie si Jordyn sa kanyang bahay at naging part ito ng kanyang creative team para sa billion-dollar cosmetic company na Kylie Cosmetics. Lagi ring kasama si Jordyn sa mga bonggang bakasyon ni Kylie at tumutulong itong alagaan si Baby Stormie.

Noong March 1, lumabas si Jordyn sa Facebook Watch show ni Jada Pinkett-Smith na Red Table Talk. Kinuwento nito ang kanyang side of the story tungkol sa pagkaka-involve niya kay Thompson.

“On the way out, he did kiss me. No passion, no nothing, on the way out. He just kissed me. Like a kiss on the lips, no tongue kiss, no making out, nothing. I’m no home wrecker. I would never try to hurt someone’s home, especially someone that I love. And someone that I’ve seen — has a beautiful daughter. I never was trying to steal someone’s man,” diin pa ni Woods.

Candy tinamad magalit

Hindi pinalagpas ng My Special Tatay star na si Candy Pangilinan ang maling ginawa ng isang gasoline station sa sasakyan ng kanyang ina.

Ayon sa TV and film comedienne, mali ang kinarga na fuel sa kotse ng kanyang ina. Imbes na unleaded, diesel ang inilagay sa naturang kotse.

Heto ang pinost ni Candy sa kanyang Instragram account:

“Maling gas ang ni-load nila sa kotse ng mommy ko. Imbis na unleaded naglagay ng diesel. Ngayon kinausap ko na ayusin nila. Sabi nila sa akin, wala daw mekaniko tonight at bukas na lang daw. Mahal daw kasi yung mekaniko na available. Eh diba mas mahal pag nasira yung sasakyan. Kinausap ako na parang ako pa ang kulang sa understanding. Ano ba dapat gawin ko? Parang gusto ko sana magalit. Kaso puyat ako at wala pa akong tulog. Nakakatamad magalit. Hahaha. Powerfill, Visayas Ave. Haaaay. Saaad…”

Nakatanggap naman agad ng reply ang Powerfill sa post ni Candy at nag-apologize sila sa nagawang mali ng kanilang tauhan sa kanilang gasoline station.

“Good evening Ms. @candypangilinan On behalf of Powerfill Gas Station Management, humihingi po kami ng labis na paumanhin sa pangyayaring ito na mali po ang naikargang gasolina sa sasakyan ng inyong ina. Muli po, ikinalulungkot po namin ang pangyayaring ito at humihingi po kami ng inyong paumanhin.”

Natuwa naman daw si Candy sa maayos na paliwanag at pagtingin sa sa-sakyan ng kanyang ina. Kaya hindi na raw tinuloy ni Candy ang kanyang galit na pang-teleserye na lang daw.

Ashley nanghihinayang kina Gabbi at Ruru

Nanghinayang ang bagong Kapuso kontrabida na si Ashley Ortega sa pagkakabuwag ng loveteam nila Gabbi Garcia at Ruru Madrid. 
Close si Ashley kina Gabbi at Ruru dahil nakasama sila sa mga show na InstaDad, Dormitoryo at My Destiny kaya nagulat siya noong makarating sa kanya ang balitang wala na ang GabRu loveteam.

“Pero it happened nga and their fans has to accept it. Hindi natin alam yung reasons nila, respect na lang natin iyon. I haven’t talked with both of them yet, but I know that they will still be there for each other,” sey pa ni Ashley.

Si Ashley nga ang bagong kontrabida na aabangan sa primetime teleserye na Sahaya. Gaganap siya bilang si Lindsay at makakatikim ng katarayan niya si Bianca Umali. Naging kontrabida na siya kay Bianca sa panghapon na teleserye na Wish I May noong 2016.

JORDYN WOODS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with