Fans ni Kathryn galit na galit sa nang-isnab na award-giving body
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 21, 2019 - 12:00am

Ang tindi ng galit, at lahat ng klase ng pamba-bash ay ginagawa ng ilang masusugid na fans ni Kathryn Bernardo laban sa isang award giving body.

 

Ang pinagmulan ng galit ay ang sinasabi nilang pag-snob ng award giving body kay Kathryn. Nominated ang kanyang leading man na si Daniel Padilla. Nominated din pareho ang sinasabing mga kalaban nila sa popularidad na sina James Reid at Nadine Lustre, pero si Kathryn wala.

Pero teka linawin natin bago tayo magmurahan ha. Iyang mga award giving bodies ay mga pribadong samahan. Pinipili nila kung sino ang gusto nila. Pinapapanalo nila kung sino rin ang gusto nila, at dahil pribado nga iyan, karapatan nila iyon. Kaya nga mara­ming award giving body eh, kasi kahit na mga kritiko hindi nagkakasundo sa kanilang choices. Kung magsarili sila, karapatan nila iyon.

Ang isang award giving body ay walang obligasyong maging balance. Wala silang obligasyong maging parehas. Tumanggap man sila ng lagay o diretsahang bayad, problema na nila iyon. Hindi natin sila puwedeng talakan kahit na anong kabulastugan mayroon ang awards nila. Hindi rin naman nila tayo mapipilit na sila ay paniwalaan.

Iyon naman ang nangyayari, alam naman ng publiko kung anong awards ang “bentahan” lang ang basehan. Mga miyembro mismo nila ang nagsasabi, totoong may bayaran. Eh ‘di huwag nating paniwalaan. Kaya tingnan ninyo ngayon ang mga award, hindi na rin naman sila halos pinaniniwalaan. Kami sinasabi nga namin noon pa, dalawang awards lang ang pinaniniwalaan namin dahil alam naming malinis.

Noong araw may naglabas pa ng serye sa mga kabulastugan sa awards. Pero ano mang kabulastugan ang sabihin ninyo, wala ring mangyayari. Huwag na lang ninyong paniwalaan. Eh ano ba kung magbigay sila ng awards taun-taon? Ano ba kung magbigay sila ng awards kahit na tatlong beses isang taon. Kung hindi naman sila pinaniniwalaan ng publiko eh ‘di wala rin.

Sa ngayon ang alam lang naming walang lagayan, walang hinihinging “blow out” at “thanksgiving party”, hindi nagbibigay ng awards para lang magbenta ng tickets sa awards night para kumita, iyon lang The Eddys ng Society of Philippine Entertainment Editors. Kaya pinaniniwalaan namin iyon. Iyong iba, option na namin kung maniniwala kami o hindi.

Dyowa ni Aiko gustong manahimik sa Narco List

Nilinaw ni Aiko Melendez na hindi nananahimik ang kanyang boyfriend na si Mayor Jay Khonghun sa pagsasama sa kanya sa Narco list, dahil guilty siya. Gusto raw ng boyfriend ni Aiko na sagutin ang bintang sa kanya sa tamang forum, ibig sabihin sa husgado.

Sinabi rin niyang kung mali ang bintang, ang kanyang boyfriend naman ang magdedemanda laban sa mga gumawa ng Narco list na ipinabasa sa presidente. Hindi mo kasi maidedemanda ang presidente, pero ang gumawa ng listahan, puwede.

Asawa ng isang sexy actor, natakot mahawa ang mister sa TB ng ‘powerful’

Galit na galit pala ang asawa ng isang sexy actor sa isang dating sikat at powerful na female star, dahil may panahon daw na tinangka nitong agawin ang kanyang asawa. Inamin naman niya, pinatulan din ng asawa niya ang female star, pero mga dalawang beses lang daw. Kasi alam niya baka magkaroon siya ng TB dahil doon. Aba, bakit naman sinabi niyang baka magkaroon ng TB ang mister niya, ano ba naman ang ginawa ng dating sikat na female star na laos na ngayon?

Bakit nga kaya ang napiling sakit ni misis ay TB?

KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with