Maymay nakatatlong milyon na!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - March 21, 2019 - 12:00am

Ang sobrang kagalakan ni Maymay Entrata dahil naka-over three million na ang followers niya sa Instagram.

 

Nagpasalamat si Maymay sa followers niya dahil doon.

Hindi naman maikakailang sa mga kasabayan niya ngayon ay talaga namang si Maymay ang mas maraming fans.

Kahit nagpapaka-fashion model na nga si Maymay sa kanyang mga posting, tinatangkilik pa rin siya ng kanyang mga fan.

Pero siyempre, hindi rin maikakaila na ang iba sa kanyang followers ay mas gusto pa rin na mas nakakaaliw ang dating niya kesa ‘yung very stylist.

Nora nanindigang may Facebook account?!

May Facebook account ang Superstar na si Nora Aunor.

Nagme-message rin sa akin si Mama Guy sa pamamagitan ng Messenger app ng FB.

May mga nagsasabi na account talaga ni Mama Guy ‘yon, may mga nagdududa naman.

Inusisa ko ang Superstar nang maka-chat ko siya kahapon kung siya ba talaga ‘yon at nanindigan ang ka-chat ko na si Mama Guy talaga siya.

Well, kung siya nga ‘yon, magaling na palang mag-social media si Mama Guy.

Mika at Barbie paghihiwalayin na

Ngayon na ang airing ng episode ng Kara Mia na maghihiwalay na sa iisang katawan sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Mabilis ang mga pangyayari sa primetime fantaserye na ‘yon ng GMA-7.

Mas titindi kaya ang awayan nina Barbie at Mika kapag magkahiwalay na sila ng katawan?

Well...

Kuya Wes may special screening

Ang special screening ng Kuya Wes ngayong Saturday evening sa Podium Director’s Club Cinema.

Inaasahang dadalo si Ogie Alcasid doon.

May ibang celebrity friends din si Ogie na inaasahang dadalo.

Malamang na ang iba ring mga talent ng LVD Management, Inc. ng manager ni Ogie na si Leo Dominguez ay dumalo rin doon.

Cristina handang mamahinga bilang mayor

Hanggang June 30 pa si Cristina Gonzales bilang mayor ng Tacloban City, pero ngayon pa lang, may mga nagtatanong na sa kanya kung gusto ba niyang balikan ang pag-aattista.

Ang palagi raw sinasagot ni Mayor Cristina ay baka i-try niya paminsan-minsan, pero wala yata siyang balak na mag-full time uli sa showbiz.

Abala rin daw kasi siya sa event place business niya na Patio Cristina sa Maynila.

MAYMAY ENTRATA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with