^

Pang Movies

Park bo-gum parang plastic pag kumaway sa fans

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Park bo-gum parang plastic pag kumaway sa fans

Natapos ko rin na panoorin ang Encounter ni Park Bo-gum kahit na hindi ako kinilig dahil wah ko feel ang kissing scene nila ng dyowa ni Song Joong-Ki.

 

Parang ang feeling ko, ano ba ‘yan na magiging pakiramdam mo kung sakali na maging partner ni Gelli de Belen sa isang romantic scene ang kanyang ex-brother in law na si John Estrada.

Siyempre, off ang magiging pakiramdam dahil maiisip mo si Janice de Belen ‘di ba?

Pero ang pagkakaroon ng expressive face ang isa sa mga na-discover ko kay Park Bo-gum nang mapanood ko ang Encounter.

Makikita sa mukha at sa mga mata niya ang lungkot, galit at tuwa.

Engrossed tuloy ako sa panonood at sa palagay ko, puwede ko na siyang maging love nang konti.

Ayoko lang kasi ang mga photo ni Park Bo-gum sa Instagram account niya. May suot siya na mask kapag nasa airport at kung minsan, tuloy-tuloy ang kanyang paglalakad kaya parang plastic na ang pagkaway niya sa fans.

Parang may aloofness siya na hindi dapat sa isang celebrity.

Dapat talaga, laging on guard ang mga artista. Hindi sila puwedeng basta na lang kumikilos kapag nasa public place dahil nakikita agad ang mga body language nila.

Madaling mararamdaman kung totoo o hindi ang kanilang mga kilos. Kahit sa smile, malalaman ng fans ang fake at ang genuine.

I really don’t know, baka masyado lang ako observant pero uneasy kasi ako kapag feel ko na eklay lang ang pagiging sweet ng isang tao, itsurang tahimik at hindi siya nagsasalita.

Feel ko rin kung mahiyain lang o talagang maldita ang isang tao pero okey na, puwede nang mahalin si Park para dumami na ang Koreans na minamahal ko, hindi lang si Jo In-sung at Nam Jo-Hyuk.

Terrence may sakit, misis aligaga sa pag-aalaga

Sabi ko na nga ba may dahilan kung bakit hindi dumating sina Cris at Sal, ang mga secretary ni Pia Romeo sa taping ng Take It... Per Minute!

Dahil na-miss namin ni Cristy Fermin ang mabait na asawa ni Terrence Romeo, panay ang banggit namin sa pangalan niya.

Eh may sakit pala si Terrence noong isang araw at siyempre, aligaga sa pag-aalaga si Pia.

Marami nga pala ang nagrereklamo sa laro ng San Miguel dahil hindi raw masyadong ginagamit si Terrence eh ang maganda ang performance niya sa last game.

Baka naman may ibang tactic na naiisip ang coach ng San Miguel kaya inireserba niya si Terrence.

Ang hirap siguro kapag nagkakasakit ang isang athlete dahil kailangan na palaging nasa kundisyon ang kanilang mga katawan kaya ganoon na lang ang pag-aalaga ni Pia kay Terrence.

Get well soon Terrence. Magpagaling ka dahil maraming games pa ang sasalihan mo at  sure ako na magigin champion ang  basketball team na paborito ni MJ.

Sa next Tuesday, balik na naman sa pagdadala ng food sina Cris at Sal sa Take it…Per Minute! Bongga, ayaw talagang  magpa-miss ni Pia, ang BFF ng online program namin ni Cristy.

vuukle comment

PARK BO-GUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with