^

Pang Movies

Piolo quit na sa drama series!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Philstar.com
Piolo quit na sa drama series!
Piolo Pascual

Final answer na…

Long hair pa rin si Piolo Pascual nang dumalo sa contract signing with AMA Online Education or AMA OED last Monday. Aniya ay para raw kasi ito sa ginagawa niyang pelikula ngayon with Lav Diaz.

Bukod dito ay may ginagawa pa rin daw siya with Brillante Mendoza. Bale limang movies nga raw ang line-up niya for this year at tatlo na raw ang natatapos niya.

Movies daw talaga ang concentration niya ngayon at nagdesisyon na siyang talagang hindi na siya gagawa pa ng drama series. Final na raw ito talaga.

“I’m old for that. I’m not old old but, you know, I’ve done more than a dozen soaps, I’ve been in the business for 20 years.

“It’s the same thing I’ve been doing the last 10 years. I want to be able do other things and diversify.

“I’ve become a producer and there are so many things that we can work on. And acting-wise, endorsement-wise, I still have my hands full.

“So, that’s something that... I don’t enjoy doing anymore. I don’t want to be stuck in a set.

“It’s hard. I mean, I don’t want to take it away from somebody else, but it’s not something that I wanna pursue for now anymore, yeah,” pahayag ni Piolo.

Yung Since I Found You raw na teleserye niya last year with Arci Muñoz ang last soap na talaga niya at sinabi na raw niya ito noon pa.

Bukod sa movies, magiging busy rin si Piolo sa pag-aaral. Nakatakda siyang mag-aral ng Film Producing sa satellite campus ng New York Film Academy sa Florence, Italy. Bale 8 weeks daw ang course na ‘yun at dalawa sila ni direk Joyce Bernal na mag-aaral nito. “It’s been planned since last year,” sey pa ni Piolo.

Samantala, si Piolo ang bagong Ambassador ng AMA OED at perfect na perfect naman ang aktor para rito dahil na rin sa may scholars din siyang pinag-aaral.

Isa rin si Piolo sa naniniwala na talagang maha­laga ang edukasyon kaya nga ito rin ang payo niya sa anak na si Iñigo Pascual.

Teddy benta ang pagpapatawa

Natupad ang wish ni Teddy Corpuz na dumalo ang mga kasamahan niya sa It’s Showtime sa premiere night ng launching film niyang Papa Pogi na ginanap na last Monday sa Trinoma Mall.

Matatandaang sinabi ni Teddy sa presscon ng movie na dumalo lang daw ang mga co-hosts sa premiere night ay masayang-masaya na siya lalo na si Vhong Navarro na idol na idol daw niya.

Dumating nga si Vhong, pati na rin sina Karylle kasama ang asawang si Yael Yuzon, Ryan Bang at mga members ng Hashtags na kasama rin sa movie na sina Zeus, Luke and Nicko.

‘Yun nga lang, hindi nakarating si Vice Ganda at Anne Curtis na parehong nasa ibang bansa ngayon.

Namataan din namin si Aljur Abrenica na ­kapwa-Kapamilya rin. And of course, present din ang dalawang leading ladies ni Teddy na sina Myrtle Sarrosa at Donna Carriaga, gayundin ang direktor na si Alex Calleja.

Nagustuhan namin ang pelikula at ang daming eksena na tawa kami nang tawa. May mga pagkakataon pa na nagpapalakpakan ang audience dahil sa mga riot na eksena.

Simple lang ang plot ng pelikula pero may moral lesson na sa pag-ibig ay hindi mahalaga ang pisikal na kaanyuan at ang mas importante pa rin ang panloob na ugali.

Showing na sa mga sinehan today, March 20 ang Papa Pogi handog ng Regal Films.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with