^

Pang Movies

Alden Richards nagpa-birthday surprise kay Kathryn Bernardo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Philstar.com
Alden Richards nagpa-birthday surprise kay Kathryn Bernardo
Alden Richards at Kathryn Bernardo

Pumaraan si Alden Richards para handugan ng birthday surprise si Kathryn Bernardo. Sa look test nilang dalawa para sa gagawing movie, nagbigay ng birthday cake ang Kapuso actor at kinantahan naman siya ng mga staff na present sa look test.

Ang video ng sorpresa ni Alden sa bagong leading lady ay inilabas sa Instagram ng talent manager na si Philip Rojas.

Bago ang birthday surprise, nag-anunsyo ang Star Cinema ng pagsasama ng dalawa sa isang movie under Cathy Garcia-Molina’s direction. Isang dream come true para sa Pambansang Bae ang makasama si Kathryn at maidirek ni Molina.

Turning 23 na si Kathryn sa March 26.

Juan Karlos Labajo nakatanggap ng pababanta!

Lumawak na ang hidwaan ng singers na sina JK Labajo at Darren Espanto na nagsimula sa Twitter. Tapos, napunta sa murahan ng fans at ngayon, death threat para kay JK.

Nitong nakaraang weekend, lumabas ang report na itinuloy ng ina ni Darren ang reklamong cyber libel.

Heto ngayon ang singer ng hit song na Buwan na naglabas sa Instagram stories ng death threat sa kanya ng isang netizen (Conde Vergonze).

“Papatayin kita humanda ka sa gig mo pasasabugin ko yun wala akong pake sa dami nang mamatay mapatay lang kita.”

Sarkastikong sinagot ito ni JK. “Beshie huli ka na. Palagi kaming may pasabog sa mga gig namin di ka namin need. Luv u 2 thnkx bye.”

Dinugtungan niya ito ng, “Basta kung ganyan ang ugali alam niyo na kung kaninong fan yun. Kung may mangyari man sakin kilala niyo na kung sino ang paghihinalaan niyo. #WalangMakakatalosaWapaRangers #BatoBatoSaImpyernoAngMatatamaanGao.”

Naku, palala na nang palala ang gusot kina JK at Darren, huh!

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with