Luis Manzano
Sa sobrang saya sa buhay Luis Manzano tumataba!
YSTAR - Baby E (Philstar.com) - March 20, 2019 - 12:00am

Salve A., baka nga pala hindi nahahalata ni Luis Manzano na nagdadagdagan siya ng timbang, and this is most evident when he hosts his game program, Minute to Win It, Last Man Standing.

Siuro dahil casually attired lang siya rito, like his co-host, Negi whose weight ay wari mo’y kanyang hinahabol.

In his other show, World Dance Philippines, kung saan ang co-host niya ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay mukha namang okay, pero siya talagang parang tumaba, siguro ay dahil lang din yun sa kanyang mga sinusuot.

Agree or disagree ka, Salve A.? (Hehehe. Baka po napapasarap lang ang kain at happy sa buhay. – Salve  A.)

Ogie Diaz balik-Home Sweetie Home na!

Muling sasali si Ogie Diaz sa sitcom na Home Sweetie Home na ngayon ay pinagbibidahan na nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, plus of course sina Ogie Alcasid, Miles Ocampo, Rufa Mae Quinto, Jobert Austria, Clarence Delgado, Empoy Marquez at Sandy Andolong. He will be an asset to the sitcom.

Kung inyong maaalala, dati naman nang mainstay si Ogie sa Home Sweetie…, he used to own the recruitment agency kung saan nagtatrabaho ang lead actor pa noon na si John Lloyd Cruz na ang karakter ay supposedly married kay Toni. While Ellen Adarna acted as Ogie’s special assistant.

But as we all know, ‘di na kasali pareho sa sitcom sina John Lloyd at Ellen, at kasabay ng pagkawala nila sa sitcom ay ang pagkawala rin ng recruitment  agency, and of course ni Ogie.

Well, last Saturday sa guesting ni Ogie sa sitcom, pinatunayan niyang he has what it takes to be guest comedian ng show. With no trace at all kung ano siya dati sa programa.

In real life, we all know na bukod sa likas na mapagpatawa si Ogie, kahit wala sa harap ng camera, he is talent manager to Liza Soberano and host of gossip show on DZMM, with MJ Felipe.

Angelica Panganiban iba naman ang gusto, sinusumpa na ang pakikipagbalikan sa ex

Of John Lloyd, naging sila noon ng aktres na si Angelica Panganiban, naging ex din daw ni Derek Ramsey si Angelica. And of course, ni Carlo Aquino, na inakala niyang makaka-reconcile niya for the third time.

Well, sa isang interview with Vice Ganda sa programa nitong Gandang Gabi Vice (GGV), Angelica told VG na wala na siyang balak balikan ang kahit sino sa tatlo. Ganunpaman, ‘di raw ito nangangahulugang wala na siyang balak umibig muli.

Now in her 30’s, gusto na raw ni Angelica na magkapamilya na.

Natanong naman siya kung feel niya ba na magugustuhan niya si Zanjoe Marudo, her leading man sa matatapos na nilang serye, ang Playhouse.

Tanging tawa lang ang isinagot ni Angelica.

Zanjoe like her, is reportedly loveless sa kasalukuyan.

Gerald nagko-coach sa sariling gym

Meantime, Zanjoe’s ex-girlfriend, Bea Alonzo appears to be happily in love with Gerald Anderson, who turned 30 exactly last March 6. Ganunpaman, wala pa raw sa plano nang dalawa ang magpakasal na agad. Plano raw ni Gerald na kapag nag-asawa siya, he would want to have four children.

Right now, focused muna si Gerald sa kanyang negosyo, ang kanyang bagong bukas na gym, whom he named The Thi3d Floor. Obviously dahil nasa third floor ito ng building where it is located.

Very modern ang dating ng gym, na pawang mga modern at bago rin ang equipments, which Gerald said na siya mismo ang namili, na ipinagagamit niya sa kanyang customers.

Pag nasa gym siya, si Gerald daw mismo ang nagga-guide sa customers tungkol sa exercises nito na dapat gawin.

No need to tell you kung sino ang favorite customer ni Gerald na palaging welcome sa kanyang gym.

Michael V. pinakyaw ang trabaho sa movie nila ni Dawn

Personal choice daw ni Michael V. si Dawn Zulueta to play as his leading lady sa pelikulang Fa­mily History, a movie which he himself is producing, directing and conceptualized. No need to say na siya rin ang may story and scriptwriter ng pelikula. Likewise, he will have a hand in creating the soundtrack of the movie.

Michael said he is actually co-producing Family History with GMA Productions na back na sa pagpu-produce ng pelikula.

Michael owns Mic Test Entertainment.

ANGELICA PANGANIBAN LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with