^

Pang Movies

Angelica Panganiban, matindi pa ang ‘galit’ kina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Angelica Panganiban, matindi pa ang �galit� kina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz
Angelica Panganiban

Vice hindi pumayag na hindi business class ang ‘dyowa’

Hindi pumayag si Vice Ganda na hindi naka-business class ang nababalitang boyfie niya na si Ion Perez nang bumiyahe sila pa-Guam last Saturday night.

Last minute diumano ay nilakad sa PAL ang business class seat ni Ion at ang isa pa niyang guest sa concert sa Guam na si Jackie na parehong favorite niya sa It’s Showtime.

Inamin na nga ni Vice Ganda sa GGV last Sunday na ‘in a relationship’ siya ngayon.

Pero wala siyang mention kung sino ‘yun though may mga nagko-confirm na sila na nga at diumano, live in na nga raw sila ni Ion.

Samantala, sa GGV pa rin last Sunday kung saan guest niya si Angelica Panganiban, nang tanungin siya ni Vice kung sino kina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz and Carlo Aquino ang kaya niyang makasabay sa elevator, ang sagot niya : “si Carlo.”

Samantalang, ang lalim ng hugot niya ha sa dating BF at base sa mga sagot niya sa interview ni Vice ay talagang pinaasa siya.

Meaning mas matindi ang ginawa sa kanya nina Derek at John na hindi na niya kayang makita o makausap man lang.

Pero bakit nga ba parang bad ending ang mga nakakarelasyon ni Angelica?

Kakaiba, Graded B pansamantagal tungkol sa libro at ‘ari’

Showing na bukas ang pelikulang Pansamantagal starring Bayani Agbayani and Gelli de Belen.

Tungkol ito sa isang book author at isang babaeng mistress na nagkakilala sa isang isla dahil sa kanilang pinagdadaanan.

At least iba naman. Hindi hightech ang gamit nila. Magpo-promote sila ng pagbabasa ng libro.

Karamihan ngayon ay nagpapaka-hightech na. Halos ayaw nang humawak ng hard copy ng libro. Or ang iba, ‘di na nagbabasa dahil sa social media.

Eh ang Pansamantagal, makikitang may interes ang mga taong magbasa kasi nakaka-relate sila sa kuwento ng libro. Pero may iba pang mangyayari sa istorya.

Importante rin ang role ni DJ Chacha bilang staff ng resort kung saan nagkakilala ang character nina Bayani ang Gelli.

Pero hindi masyadong wholesome ang mga dialogue. Maraming tungkol sa ‘ari.’

Directed by Joven Tan, graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Pansamantagal na palabas na sa mga sinehan starting tomorrow, Wednesday.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with