^

Pang Movies

Daniel Padilla pinatunayan ang pagmamahal kay Kathryn Bernardo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Daniel Padilla pinatunayan ang pagmamahal kay Kathryn Bernardo!
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Pinakita nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla sa sambayanan na hindi totooo ang balitang break na sila last Sunday sa ASAP Natin ‘To kung saan ay binigyan ng advance birthday special celebration ang aktres.

After Kathryn’s production number ay umakyat ng stage si DJ na may dalang flowers at mahigpit silang nagyakap.

For his birthday message, ani Daniel sa girlfriend, “Ito lang ang gusto ko sabihin sa iyo, Bal. Ako ay laging nandito para sa iyo—para sumuporta, para promotekta, at mag-alaga, at pasayahin ka.”

Pagkatapos nito ay buong ningning na sinabi ni DJ ang mga katagang “I love you very much, bal” at saka hinalikan ang GF sa gitna ng sigawan ng fans sa studio.

Nakikita naming parang gusto nang umiyak ni Kathryn pero napigilan ito dahil pinag-blow na siya agad ng cake, hahaha! Pero kitang-kita rin naman sa dalaga ang labis na kaligayahan.

Kathryn is turning 23 at aniya ay super-special ang kaarawan niya this year dahil umuwi raw ang kanyang ate to celebrate her birthday.

“Very special kasi kumpleto kaming family,” sey niya.

Magdiriwang daw siya ng kaarawan sa beach kasama ang family and friends.

Encantadia girls, nag-iyakan sa unang eksena!

Dream come true para kina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Diana Zubiri and Karylle ang reunion nila matapos ang Encantadia noong 2005. Ang apat ang gumanap na Sang’gre sa nasabing hit fantaserye at hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ito nakakalimutan ng mga tao at forever na yatang matatatak sa kanila ang mga karakter nilang Amihan, Alena, Danaya and Pirena.

Ngayon ay muling nagsama-sama ang apat sa pelikulang Mystified, an Iflix Originals, kung saan ay line producers din sila under their new Sang’gre Productions.

Ayon sa apat ay noon pa raw talaga nila gustong gumawa ng reunion project kaya naman sila na talaga rin ang nagpursige na matuloy na ito with the help of direk Mark Reyes na siya ring direktor ng Encantadia noon.

Aminado nga ang apat na naging emosyonal sila during the first shoot. Si Sunshine ang unang umiyak at nahawa ang tatlo.

“I cried on our first day wearing our costumes, coz like, it was very nostalgic for me. It has always been our dream to have our own reunion project. And when I finally saw us on costumes, I was like “oh, we’re finally doing it!” And then everybody started to cry,” kuwento ni Sunshine sa presscon.

Sabi naman ni Iza, “I cried the minute she cried and we were looking at each other. Apart from that, that we always wanted to do a reunion project, I think it’s more of we’ve been through so much na rin. I mean, in 13 years, nagkanya-kanya kami ng landas and life has brought us to different places and yet, here we are again, doing one thing that we know how to do best, and that’s you know, to share energy on stage and give energy to one another.”

Ang Mystified ay mapapanood exclusively on Iflix free and IflixVIP on March 29, 9pm.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with