^

Pang Movies

Snooky Serna kinalimutan na ang pagiging pagong!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Snooky Serna kinalimutan na ang pagiging pagong!
Snooky Serna

Ang sarap din ng feeling kapag naibalik na ang tiwala sa ‘yo ng mga tao, hindi ba, ­Ateng Salve?

Ang tinutukoy ko ay ang tiwala kay Snooky Serna na naibalik na.

Sa GMA-7 kasi, halos sunud-sunod ang mga teleserye niya. Then may mga pelikua na rin siya. Hindi na nga siya nakakatakot na makatrabaho dahil sobrang professional na ang aktres na noon ay tinatawag na “pagong.”

Samantala, masaya si Snooky na siya ang kinuha para gumanap na nanay ni Kyline Alcantara para sa launching movie ng dalaga, ang Black Lipstick.

Dahil sa title, nagbabalik-tanaw tuloy si Snooky sa blockbuster movie nila ni Richard Gomez, ang Blusang Itim.

Sabi naman ni Leo Dominguez na manager ni Snooky, sobrang ganda raw ng role ng aktres sa Black Lipstick.

Kasama nga rin pala ang aktres sa cast ng Sahaya ng GMA-7 na nagsi­mula nang umere kagabi.

Sylvia papasang chef

Alam mo, Ateng Salve, excited ako sa nalalapit na tsikahan natin ni Manay Lolit Solis with Sylvia Sanchez.

Alam ko naman na hindi magkukuwento ang aktres tungkol sa relasyon ng anak niyang si Arjo Atayde kay Maine Mendoza dahil sinabi na nga niya na tama na ‘yung minsang pagsasalita niya.

Eh, ayaw rin naman kasi ni Sylvia na pangunahan si Arjo tungkol sa reasyon ng binata kay Maine.

Anyway, kaya ako excited ay dahil ipagluluto tayo ni Sylvia, Ateng Salve.

Isa nga si Sylvia sa mga artistang mahilig magluto at masasarap ang mga putahe niya, huh! Almost 30 years na rin nang una kong matikman ang mga putaheng niluluto ni Sylvia at kung ginusto lang niya, puwedeng-puwede siyang naging chef, pero naging abala rin naman siya sa kanyang career. Kaya naman naging hobby na lang niya ang pagluluto.

Ang maganda kay Sylvia ay mahilig siyang magdala ng pagkain sa set ng kanyang mga project, kaya naman natutuwa sa kanya ang kanyang mga co-star dahil palagi silang nabubusog.

Ibang AlDub fans nagbibigay ng maling signal!

Speaking of Maine, in fairness sa ibang AlDub fans, marami sa kanila ang tanggap na ang katotohanang si Arjo nga ang lalaking pinakamalapit na sa dalaga.

Marami rin sa kanila ang tatanggapin daw kung may ilalabas na ring karelasyon si Alden Richards.

Ang ayaw lang ng iba sa kanila ay ‘yung gagawa pa ng kuwento ang iba tungkol kina Maine at Alden na parang pinaaasa pa ang ibang AlDub fans.

May iba nga raw kasi na ang hilig gumawa ng kuwento tungkol kina Maine at Alden like ‘yung nasa Jordan sila kasama ang Dabarkads.

Ok na raw sa ibang AlDub fans na bukas ang pag-iisip na magkaibigan lang talaga ang kanilang mga idolo.

vuukle comment

SNOOKY SERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with