Maine Mendoza at Alden Richads
Alden at Maine hindi nagdidikit sa picture taking!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 18, 2019 - 12:00am

Puring-puri ng netizens ang shots ni Ryan Agoncillo sa Dabarkads ng Eat Bulaga habang nasa Israel sila. Totoo naman kasing napakaganda ng mga kuha niya at ang dami ngang nagsasabi na para siyang professional photographer.

Hit na hit ang mga larawan nina Maine Mendoza, Luanne Dy, Alden Richads at mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna.

Pero at the same time ay maraming AlDub fans ang nalungkot dahil walang kuha sina Alden at Maine na magkasama kung hindi parating solo-solo. Maging sa group picture ay magkalayo sila kaya ang daming nag-comment na nami-miss na nila ‘yung dating love­team na sweet at parating magkadikit.

“I wish i will see real candid (no inhibitions) photos of Meng and Alden together before they leave HL. Its the perfect time and place for reconciliations. Nakakamiss lang. Just wondered. Is it their choice not to or arent they allowed? Hope fans who dont agree would also understand that they are friends and EB is family,” komento ng isang netizen.

Well, hindi pa naman tapos ang trip ng Dabarkads at malay natin, baka sa mga susunod na araw ay makita na ng Aldub fans ang inabaangan nilang larawan ng dalawa na magkasama.

Bayani nagsalita sa alitan nila ni Alex

Nakakaloka ang interbyu ni Bayani Agbayani sa Tonight With Boy Abunda tungkol sa napapabalitang away nila ni Alex Gonzaga.

Noong una ay sinabi niyang wala naman silang away ni Alex pero nang sinabi ng host na si Boy Abunda na may kinalaman sa awitin ang tampuhan nila, nagsalita na ang komedyante.

Kuwento ni Bayani, may ginawa raw silang kanta ni Kean Cipriano, ang Ulo-ulo pero bigla raw naglabas si Alex ng Chambe Chambe sa You Tube.

“At sobrang kinagat ng tao yung Chambe-Chambe. Doon na. Sabi ko, ‘Kean, huwag nating isabay sa Chambe Chambe ‘yung Ulo-ulo natin, baka pulutin sa kangkungan,’” kuwento ni Bayani.

Hirit pa niya, “ang maano lang kay Alex, nun’g alam niya na meron na kaming kantang Ulo-Ulo, gumawa agad ng Chambe-Chambe. So, parang ang gusto niya, siya lang ang sumikat. Yun ang napansin ko.”

At hindi lang daw ‘yun, napansin daw niya na parang ginagamit lang sila ni Alex sa blog nito.

“Lagi kaming kasama sa blog niya, pero ni singko, kahit anon’g sandwiches man lang, hindi niya kami pinapakain,” sey pa niya.

Tulad daw nun’g Bohemian Rhapsody song nila na nilagay ni Alex sa You Tube channel nito, nag-trending at sumikat nang husto.

“Ni ha ni ho, wala!” sey pa ni Bayani.

Tinanong ni Kuya Boy kung bakit hindi siya kumonsulta ng abogado at ginawa na raw niya.

“Sinabi ko na po sa abogado ko po ‘yan. Puwede raw makulong si Alex, ha!” ani Bayani.

After this ay sinabi ng komedyante na joke lang daw ito at mahal na mahal daw nila si Alex.

Hahaha!

Anyway, nag-guest si Bayani sa TWBA para i-promote ang pelikula nila ni Gelli de Belen na Pansamantagal na showing na ngayong March 20 mula sa direksyon ni Joven Tan.

ALDEN RICHADS MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with