Kuya Wes dinadagsa ng block screening
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - March 18, 2019 - 12:00am

Ang pa-block screening kagabi ni Regine Velasquez-Alcasid para sa Kuya Wes movie ng mister niyang si Ogie Alcasid.

Sa UP Town Center sa Katipunan Avenue, Quezon City na malapit lang sa bahay nila ang pa-block screening ng Asia’s Songbird.

Siyempre, happy si Ogie.

Marami ring ibang nagpapa-block screening ng Kuya Wes bilang suporta kay Ogie. Ngayong gabi nga, ang Bench naman ang may pa-block screening.

Very thankful nga si Ogie sa ginagawang ito ng mga nagmamahal sa kanya.

Actually, may mga nag-i-inquire rin sa Spring Films kung paano sila makakapag-block screening o special screening para sa Kuya Wes.

Pawang magaganda rin ang sinasabi ng mga nakapanood na ng Kuya Wes, kaya naman marami talaga ang gustong magpa-block screening o special screening ng Kuya Wes lalo na at graded A ito ng CEB (Cinema Evaluation Board).

Nanalo nga pala bilang isa sa pinakapasadong aktor sa 21st Gawad Pasado Awards si Ogie dahil sa performance niya sa Kuya Wes at masayang-masaya siya.

Sa text sa akin ni Ogie, sinabi niyang, “I am completely surprised talaga. I really did not expect this but also very grateful for the award. Salamat.”

Marami rin ang nagsasabing for sure at mananalo pa ng ibang awards si Ogie para sa Kuya Wes.

Jeric wala pa ring dyowa!

Ang 28th birthday ngayon ng basketbolistang si Jeric Teng.

Simple family dinner lang ang plano ni Jeric mamaya.

Hindi naman kasi siya mahilig magpa-party, pero may ilang friends niya ang nagbabalak na bigyan din siya ng celebration.

Mukhang girlfriend-free pa rin hanggang ngayon si Jeric unlike his younger brother Jeron Teng na very much in love sa courtsode reporter-girlfriend na si Janine Tsoi.

Sa Thursday nga pala, birthday na rin ni Jeron at 25 na ito.

Nakakaaliw nga pala na may ibang hanggang ngayon ay nag-aakalang twins sina Jeric at Jeron.

Actually, bunso si Jeron sa kanilang magkakapatid at tatay nila ang noon ay kilala sa PBA (Philippine Basketball Association) bilang si “Robocop” na si Alvin Teng.

Kuh napabilib ni Daniel sa pag-aala-Michael Bublé

Kuwento ng isang nakapanood ng 3:16 The Promise birthday concert ni Kuh Ledesma noong Saturday sa MOA Arena tungkol sa guesting doon ni Daniel Padilla, “Bilib ako kay Daniel dahil napapa-swoon niya ang audience sa ala-Michael Bublé style niya ng singing. He looked dashing in his suit and he serenaded young and old alike sa genre na napili niya singing old songs Fly me to the moon and How Sweet It is to be loved by You.”

Isa nga si Daniel sa napakaraming nag-guest sa concert na ‘yon ni Kuh.

Sabi pa ng kausap ko, “Kuh ledesma celebrated her birthday and her life with Jesus Christ at the MOA Arena with special guests: Sarah Geronimo, Daniel Padilla, Erik Santos, Christian Bautista, Toni Gonzaga, Eddie Mesa, Ray-an Fuentes, Alex Gonzaga, Tim Pavino, Perkins Twins, Maricel Laxa and Gina Alajar.”

Ang proceeds daw ng concert na ‘yon ni Kuh ay mapupunta sa Holy Bible Giver Foundation na naminigay ng mga libreng bible.

Gary pinaghahandaan ang US concert tour!

Ang US concert tour ni Gary Valenciano ang pinaghahandaan ngayon ng StarMedia Entertainment producer na si Anna Puno.

Ngayong April na ‘yon at marami raw ang bumibili ng tickets.

Maraming fans si Gary ang excited na may US concert tour na naman siya!

OGIE ALCASID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with