Maine Mendoza
Maine ipinagdarasal ng mga Pinoy sa Israel
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 18, 2019 - 12:00am

Talagang kung minsan hindi maiwasan ang observations ng mga tao saan man magpunta ang isang artista. Lalo na nga sa panahong ito na may mga social media platforms na, kung saan nasasabi ng kahit na sino ang kanyang observation o opinion tungkol sa mga tao.

Doon sa kanilang recent trip sa Israel, natural lang na mapansin ng mga Pilipino ang grupo ng Eat Bulaga na nagsipagbakasyon nga sa Holy Land. Sigurado kasabay noon ang taping din ng kanilang mga presentation sa nalalapit na Holy Week.

Nakatawag sa aming pansin ang sinabi ng isang netizen na si Maine Mendoza raw ay napaka-sweet at laging nakangiti. Dinugtungan pa niyang “kung alam lang niya, talagang ipinagdasal namin siya sa wailing wall”.

Para sa mga hindi masyadong familiar sa mga ganoong lugar at tradisyon, iyang “wailing wall” na tinatawag ay isang pader na adobe kung saan tradisyonal na nananalangin ang mga Hudyo. Minsan makikita mo na ang kanilang mga kahilingan ay isinusulat nila sa papel na isinisingit pa nila sa mga siwang ng wailing wall, dahil sa paniniwala na anumang dasalin doon ay pinakikinggan ng Diyos.

Kung ikaw ay nasa wailing wall, sinasabing ang pinakamahalagang bagay lamang ang hihilingin mo. Hindi mo sasayangin ang pagkakataon para humiling ng kung anu-ano. Kaya para sabihing ipinagdasal nila si Maine sa wailing wall, ibig sabihin napakahalaga noon sa kanila.

Nakita na ninyo kung ano ang nagagawa ng simpleng ngiti lamang?

Kung sa bagay, simula pa man noong una iyang pagiging palangiti at magiliw niyang si Maine Mendoza sa kanyang fans ang dahilan kung bakit siya sumikat agad nang ganoon. Walang duda na mahusay nga siyang makibagay sa lahat. Ang kailangan naman ngayon ay magkaroon siya ng proyekto kung saan mailalabas niya ang totoong talent niya bilang isang artista.

Pangangampanya ni Heart, dapat ikatuwa

Unfair naman iyong mga namba-bash kay Heart Evangelista na nagsasabing napaka-plastik ng kanyang ginagawang pagpasok hanggang sa mga palengke na alam naman ng mga naroroon na hindi niya karaniwang ginagawa.

Sabihin nating totoo. Iyang si Heart naman kasi ay galing na medyo upscale na pamilya. Talagang hindi mo nga siguro maaasahang pumasok siya sa palengke kahit na noong hindi pa siya artista. Pero maiiwasan ba niyang gawin iyon sa sitwasyon ngayon na inaasahan naman talagang tulungan niya ang kanyang asawa?

Kung nagkakampanya man si Heart, aba eh dapat kayong matuwa dahil hindi niya ginagawa iyon dahil sa bayad. Dapat matuwa nga tayo dahil ang ikinakampanya niya ay isang taong kilala niya talaga ang pagkatao, hindi gaya ng ibang artista na nagkakampanya lang dahil sa bayad.

Inihatid na sa huling hantungan...

Nailibing na kahapon ng hapon, matapos ang isang misa, ang kumedyanteng si Chokoleit. Ipina-cremate siya kagaya ng kanyang kagustuhan, at pagkatapos ay inilagak na sa Davao Memorial Park ang kanyang mga labi. Nauna roon may sinasabing dadalhin ang kanyang mga labi sa kanyang tahanan sa Cainta, pero naipasya na ngang ilibing siya sa Davao bilang pagsunod din sa tagubilin ng simbahan na ang mga labi ng isang yumao ay dapat na inilalagak sa isang pook para sa mga yumao at hindi kung saan-saan lamang dinadala.

May mga nagpa-cremate na pinanatili sa bahay, o kaya itinapon sa dagat, pero mali raw iyon.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with