JK Labajo
18th birthday salubong JK kinasuhan!
Gorgy Rula (Pang-masa) - March 18, 2019 - 12:00am

May demanda palang nakasampa laban kay JK Labajo mula sa ina ni Darren Espanto na si Marinel Gonzales-Espanto.

Reliable ang aming source na nagparating sa amin na galit na galit daw ang magulang ni Darren sa isyu nila ni JK noon na kung saan may mga ipinost ang singer ng Buwan laban sa kanilang anak.

Hinintay lang daw ng ina ni Darren na mag-18 si JK at sinampahan niya ito ng kasong Cyber Libel sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Nung nakaraang buwan ay tumuntong na si JK sa edad na 18 kaya itinuloy na nila ang kaso. Minor pa rin si Darren, kaya ang ina na raw niya ang demanda.

Nakarating na raw ang kasong ito kina JK, at sa MCA Records Philippines na nagha-handle sa kanya.

Kaya pala ganun na lang ang galit ng batang rakista kapag naririnig ang pangalan ni Darren, dahil sa kasong iyun.

Sinusubukan naming hingan ng pahayag ang kampo ni JK, pero hindi namin ma-contact ang handler nito sa MCA.

Abo ni Chokoleit at ng nanay pinagsama

Nabago na pala ang plano ng pamilya ni Chokoleit o Jonathan Garcia sa pagpapalibing sa kanya.

Itinuloy pa rin nila ang cremation, pero hindi na ibabalik ang mga abo sa tahanan niya sa Cainta.

Pagdating ng mga labi ni Chokoleit sa Davao nung nakaraang Biyernes ng gabi, dalawang gabi muna itong pinaglamayan sa Cosmopolitan Funeral Homes na kung saan dinagsa ito ng maraming tao.

Nagkagulo nga raw doon dahil nag-aagawan kung sino ang unang makapasok sa chapel.

Kaya nagpadala na ang ABS-CBN 2 ng apat na events security guards para magbantay.

Kahapon ng hapon ay dinala sa Davao Memorial Park ang mga labi ng komedyante at doon sila nagpamisa kasama ang pamilya at mga kaibigan doon sa Davao.

Pagkatapos ng misa, ipina-cremate na siya at doon na rin inilibing ang mga abo.

Isinama na raw doon ang mga abo ng ina ni Chokoleit na itinago lang sa kanyang tahanan sa Cainta, Rizal.  

JK LABAJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with