Wendell biglang naging hot sa mga kasambahay
Vir Gonzales (Pang-masa) - March 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — As usual, maraming televiewers na naman especially ang mga Noranian ang nakadama ng lungkot sa pagtatapos ng Onanay na idinidirek ni Gina Alajar nung Biyernes.

 

Matagal-tagal din kasing walang teleserye si Nora Aunor bago itong Onanay.

Maganda ang istorya ng nasabing teleserye na aakalain mong produced ng Sampaguita Pictures. Dramatic ito at walang bahid ng kabaklaan.

Agaw-eksena si Cherie Gil sa pagkokontrabida.

Pasado ang dalawang bagets na sina Mikee Quintos at Kate Valdez sa ending ng teleserye. Dahil sa nasabing serye ay nagkaroon din ng bagong title si Wendell Ramos bilang ang Prinsipe ng mga Kasambahay.

CocoYas loveteam guguluhin ni Julia

Identified na si Yassi Pressman bilang asawa ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya nakakalito lang kung true ngang ipapasok sa serye si Julia Montes na lumamlam ang career. Kapapasok lang sa serye ni Lorna Tolentino kaya asahan ang isang bagong kabanata sa naturang hit series.

Tanong ng marami, saan na kaya patungo ang Probinsyano gayung napakarami nang character ang ipinasok dito?

Dancers ni Willie hindi na mukhang tisay

Sa beautiful dancers ng Wowowin ay wala nang nagpapanggap na Amerikana na laging blonde ang kulay ng mga buhok. Itim lahat ang kulay ng buhok ng dancers ni Ana Feliciano. Dahil dun ay nagmukha silang Pinay na Pinay.

Aliw si Willie sa pamimigay ng pera bilang pamasahe sa kanyang studio audience.

Happy Birthday…

Birthday greetings to March born celebrants na sina Jose Mari Chan, Percy Lapid, Vice Gov. Jolo Revilla, Bojo Molina, Leo Martinez at Lito Manago.

GINA ALAJAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with