Kris tahimik pa Nicko Falcis may warrant of arrest na!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 17, 2019 - 12:00am

May warrant of arrest na palang inisyu ang Taguig City Regional Trial Court laban kay Nicko Falcis II kaugnay ng kasong estafa at credit card fraud, mga kasong isinampa ni Kris Aquino laban sa kanya. 

 

Pero nang pumunta raw ang mga pulis sa bahay ni Mr. Falcis sa Quezon City, wala siya roon at ayon daw sa kapatid nitong lalaki, hindi nila alam kung nasaan ang kapatid niya.  Kaya hanggang sa ngayon, March 16 nananatiling at large si Mr. Falcis.  Ang warrant of arrest ay inilabas noong Thursday evening, March 14.

Wala pang comment si Kris tungkol sa bagong development ng kaso niya kay Mr. Falcis. Nag-iwan lamang ng contact number ang Fortun Narvasa & Salazar law office ng (02) 8128670.

Winwyn mas pinili ang showbiz

Ilang buwan din palang pinag-isipan ni first Filipino Hispanoamericana Teresita Ssen “Winwyn” Marquez kung itutuloy niya ang muling pagsali sa  Binibining Pilipinas. Marami kasing nag-encourage sa kanya na muli siyang sumali at naniniwala silang masusungkit na niya ang said title.

Pero nag-decide na rin si Wyn na huwag nang tumuloy dahil sa work commitments niya at may mga upcoming project siyang gagawin.  May exclusive contract kasi si Wyn sa GMA Network at mayroon din siyang contract sa Regal Entertainment, Inc.  Ipinaabot niya ang pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng encouraging messages sa kanya.

“I know that God will bring me where I should be and I will always and forever be proud to be one of your Miss Philippines,” post ni Wyn sa kanyang Instagram.

Gelli at Bayani gustong papanood ang R16 movie sa kanilang mga anak

Hindi problema kina Bayani Agbayani at Gelli de Belen, kung nabigyan ng R-16 classification ang dramedy movie nilang Pansamantagal kapag ipinalabas na ito simula sa March 20 in cinemas nationwide.  Si Bayani, apat ang anak niyang babae, aged 22, 18, 16 and 11.  Kaya pwede raw niyang isamang manood iyong tatlong anak.

Si Gelli, although nasa Toronto, Canada ang dalawang anak na lalaki na nag-aaral doon, sina Joaqui, 20 and Julio, 18, kung narito raw ay tiyak ipapapanood niya ang movie nila. Nabanggit na raw kasi niya iyon sa mga anak at na-excite pa nga raw si Julio, tahimik lamang si Joaqui na mas conservative raw sa dalawa.

Ang Pansamantagal ay kinunan ang kabuuan sa Bolinao, Pangasinan, produced ng Horseshoe Studios for Reality Entertainment, directed by Joven Tan.

NICKO FALCIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with