^

Pang Movies

Foreign singers / artists tuloy ang pananalasa

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Foreign singers / artists tuloy ang pananalasa

May concert din pala dito sa Manila ang foreign singer na si Jason Mraz.

 

Mahal din ang presyo ng mga ticket ha, P14,000 ang patron at ang pinaka-mura ay P3,000. Doon na ‘yun sa pinaka-tuktok halos ng MOA Arena.

Siyempre maraming pinasikat na kanta si Mraz kasama na ang I’m Yours, Lucky, Have It All at iba pa.

Bukod sa pagdagsa ng Korean stars / singers, sunud-sunod din ang concert ng mga international singer. Nauna na rito ang Maroon 5 last week lang.

Actually parang inuubos nga nila ang datung ng mga Pinoy fans ha. As in mas ginagastusan ng Pinoy fans ang tickets sa fan meeting and concert ng mga international singer.

Ito rin siguro ang isang factor na kailangang silipin ng government representatives sa pangunguna ng FDCP. ‘Yung magkaroon ng regulation sa mga foreign artist na pumapasok ng bansa para mag-concert or mag fan meeting.

At ang mga producer natin nagbabayad din daw ng mga sobrang mahal sa foreign artists ha.

Baka naman puwedeng bigyan ng limitation ang foreign artist para maging priority ang mga local artist natin.

Gumagawa ngayon ng solution ang mga producer, theater operators, government agencies, and other showbiz representatives para matulungang palakasin ang Tagalog films at bumalik sa sinehan ang mga tao para manood ng mga pelikula. At baka nga may konek ito bukod pa talaga sa malakas na presence ng streaming provider ngayon.

Aktres nagda-damage control sa lovelife!

Nagda-damage control daw ang isang actress.

Sinasabi raw nitong wala siyang karelasyon at gusto na niyang ma-in love samantalang common knowledge diumano na meron daw itong madatung na ‘papah’ na may asawa sa kasalukuyan.

Actually, marami nga raw bilib sa actress dahil nga ang husay nitong magdala ng ‘relasyon.’

FOREIGN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with