Narco politician daw sabi ni Pres. Digong, Aiko ipinagtanggol ang BF na mayor
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

Ang “truth will prevail” na sagot ni Aiko Melendez sa nag-comment ng “Kasama pla sya sa listahan...omg sana di totoo.”

 

Ang tinukoy ng follower ni Aiko sa Instagram (IG) na sinagot ng aktres ay ang pagkakasama ni Subic Mayor Jay Khonghun sa inilabas na listahan ni President Rody Duterte na narco politicians. Siya ang boyfriend ni Aiko, kaya natanong ang aktres sa isyu.

Wala pang reaction ni Mayor Jay, pero si Aiko, bukod sa comment sa itaas, nag-post din ng “I finally understood, what true love meant, Love meant that you cared for another person’s happiness more than your own. No matter how painful the choices you make and you face maybe.  Dear John #iamstandingmyman. There is Justice in Love. God is Just @jaykhonghun.”

Chair Liza isusunod na ang mataas taxation sa pelikula

Nag-post ng video si director Erik Matti sa ginanap na dialogue ng film producers na in-organize ng FDCP sa pangunguna ni FDCP Chair Liza Diño. May mahabang post si FDCP Chair Liza sa naganap na important event sa movie industry, ang post ni direk Erik ang isinulat namin.

“Today was a big day for Philippine #cinema. Finally the cinemas, distributors and producers through FDCP are starting to work towards an effort to help revive #Filipinomovies. It’s not yet perfect but inch by inch we’re all in agreement that our #movieindustry needs saving. Thank you, everyone!”

May interview din si direk Erik sa Cignal TV at ang state ng Philippine cinema rin ang napag-usapan. Sabi ni direk Erik, the best interview niya ‘yun at naiparating niya sa viewers ang kondisyon ng local movie industry.

Isa sa napag-usapan sa dialogue ng film producers ay ang ilipat sa Friday ang opening ng mga bagong pelikula sa halip na Wednesday. May nag-suggest kay Liza na sana pati tax sa movie ay magawan ng paraan at ibaba. Ang sagot ni Liza, “next na yan.”

Migo nagsosolo sa condo

Sa Monday na, March 18, pagkatapos ng Kara Mia ang worldwide premiere ng GMA-7 na Sahaya. Kasama sa cast si Migo Adecer na inalis sa Inagaw na Bituin at inilipat sa Sahaya. Mas bagay r aw kasi si Migo sa epic-drama series kesa Afternoon Prime series.

Ginagampanan ni Migo sa Sahaya ang role ni Jordan, makaka-love triangle nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Magaganda ang projects na ibinibigay kay Migo pati ang kanyang role, kon­ting hasa na lang sa Tagalog at pwede nang isabak ang young actor sa drama scenes.

Sabi naman ni Migo, he is doing his best para makapagsalita na ng straight Tagalog at inaalis na rin nito ang kanyang accent.

Isang kapuri-puri kay Migo, nakakayang manirahang mag-isa rito. Sa isang condo siya nakatira, samantalang ang mga magulang ay nasa ibang bansa.

AIKO MELENDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with